Awra Briguela may patutsada sa Twitter, sino kaya ang tinutukoy na 'paepal'? | Bandera

Awra Briguela may patutsada sa Twitter, sino kaya ang tinutukoy na ‘paepal’?

Therese Arceo |May 28,2022
facebook
share this

Awra Briguela may patutsada sa Twitter, sino kaya ang tinutukoy na ‘paepal’?

Therese Arceo - May 28, 2022 - 10:45 AM

Awra Briguela may patutsada sa Twitter, sino kaya ang tinutukoy na 'paepal'?
USAP-USAPAN na naman ngayon sa social media si Awra Briguela matapos ang kanyang naging sunud-sunod na pagtu-tweet sa kalagitnaan ng hidwaan sa pagitan ng kaibigan niyang si Zeinab Harake at dati nitong partner na si Skusta Clee.

Trending kasi sa social ang social media influencer matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nito sa ex-Battalion member at ama ng anak niyang si Baby Bia.

Umpisa pa lang ay nagpahayag na siya ng pagsuporta sa kaibigan lalo na’t nakita at nasaksihan niya ang mga pinagdaanan nito.

Matatandaan na inamin ni Zeinab na labis siyang nadurog matapos malaman ang panloloko sa kanya ng dating partner sa kabila ng kanyang mga efforts para maging maayos ang kanilang pagsasama.

Inamin rin ng kaibigan ni Awra na noong mga panahong ipinagbubuntis niya ang ikalawang anak nilang si Baby Moon ay madalas na raw ang pag-alis ni Skusta Clee sa bahay nila hanggang sa tuluyan na nitong lisanin ang kanilang tinitirhan.

Mag-isa rin nitong inilibing ang namayapa nilang anak at maski noong 1st birthday ng kanilang panganay na si Bia ay hindi kasama ang dati nitong karelasyon.

At ngayon naman ay muli na namang nahaharap sa kontrobersya ang malapit na kaibigan ni Awra dahil sa isyu ukol sa nangyari sa isang club kung saan nanakit raw si Zeinab.

Sa Twitter ay tila nagpatutsada ang vlogger-performer ukol sa mga “paepal” na nakikisawsaw sa isyu.

“May mga paepal na nakikisali sa isyu para sumikat. Clout chaser yarn?” saad ni Awra sa kanyang post.

 

 

Muli pang nag-post ng makahulugang tweet ang anak-anakan ni Vice Ganda at sinabing “Iba na talaga mga home wrecker ngayon sila pa yung matatapang.”

Makalipas naman ng ilang oras ay ni-retweet ni Valentine Rosales, isang social media influencer na nakilala noong madawit sa pagkamatay ng isang flight attendant na kasama nitong nag-celebrate ng New Year’s Eve at nag-viral ukol sa nangyaring insidente sa isang convenience store na may kaugnayan sa eleksyon na inamin rin naman niya kinalaunan na walang katotohanan.

Aniya sa tweet ni Awra, “Ay pinatamaan yung sarili niya.”

Mukhang kaibigan naman ni Valentine ang diumano’y nasaktan sa club kaya to the rescue siya rito.

May post rin ito sa Facebook at sinabing na sana raw ay “huwag dahil sa club ang ugali” dahil wala daw sila sa boxing arena.

Nag-post rin ito ng screenshot ng kanilang pag-uusap ng kaibigan at sinabing wala namang alam ang iba sa tunay na istorya.

Related Chika:
Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending