Vic Sotto ‘surprise’ ang pagsali uli sa MMFF; payag maka-collab si Vice
MUKHANG naghahanda na ang iconic TV host-comedian na si Vic Sotto para sa muling pagsali niya sa Metro Manila Film Festival 2024.
Sa panayam ng ilang piling members ng entertainment media, kasama ang BANDERA, may paramdam na si Bossing nang matanong siya tungkol sa MMFF this year.
Baka Bet Mo: Michelle Dee join uli sa Miss Universe PH 2023: Just keep fighting until wala ka nang maibigay
Inusisa kasi ang asawa ni Pauleen Luna during break ng “Eat Bulaga” last Saturday kung saan naganap ang kanyang 70th birthday celebration, kung may balak siyang mag-join sa 50th edition ng MMFF.
View this post on Instagram
“Surprise,” ang maikling sagot ni Bossing sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.
Nang sundutin ng question kung another “Enteng Kabisote” uli ang ilalaban nila this year, “Iba naman. Iba na ang panahon ngayon so makakaasa sila ng kakaiba talaga.”
Natanong din si Bossing kung game ba siyang makipag-collab with the Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para sa isang pelikula na ilang beses nang naging top grosser ang mga entry sa MMFF.
“It’s not impossible. Pero siguro in the future, why not? Wala akong pinipili,” sagot ni Bossing Vic.
* * *
Mas maraming Pilipino ang nanood ng “It’s Showtime” sa unang beses nitong pag-ere sa GMA kaya naman nanguna ito sa telebisyon at online at pinag-usapan din sa social media kung saan nagtala ito ng maraming trending topics noong Sabado (April 6).
Baka Bet Mo: Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS
Nagtala ng pinagsamang TV rating na 11.3 percent mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel ang “It’s Showtime” noong Sabado, habang ang kasabay nito ay nakakuha lamang ng 3.6 percent, ayon sa datos ng Kantar Media Total Individual Ratings.
Samantala, nagpost ang GMA Network sa kanilang social media accounts ng National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng Nielsen Philippines na nagpapakita na ang “It’s Showtime” ay nakakuha ng pinagsamang TV rating na 9.6% mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel kumpara sa kasabay na program na nagtala ng 4.4 percent.
View this post on Instagram
Ganu’n din kalakas ang pagtangkilik ng mga manonood sa online o digital. Nagtala ang “It’s Showtime” ng kanilang all-time high na 524,294 peak concurrent views mula sa iba’t ibang social media sites ng ABS-CBN at GMA.
Bukod dito, bumuhos din ng mga magagandang reaksyon mula sa netizens at talagang pinag-usapan sa social media ang pasabog na opening number ng hosts, maging ang nakakakilig na guesting ni Miss Universe 2023 Michelle Dee sa “Expecially For You” kaya naman nagtrend ang show worldwide.
Samahan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, at Cianne Dominguez sa patuloy nitong paghahatid saya sa manonood sa “It’s Showtime,” 12 noon sa GMA at sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.