Boy, Alan, Pia nahirapan sa reklamo tungkol sa pamboboso

Boy, Alan, Pia nahirapang resolbahan ang reklamo tungkol sa pamboboso

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 09:23 PM

Boy, Alan, Pia nahirapang resolbahan ang reklamo tungkol sa pamboboso

Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda

“WE can’t really judge, we can just give guidelines,” ang sabi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, Abril 14.

Sa segment na “Case 2 Face,” dumulog si Mary Jane kasama ang asawang si June tungkol sa diumano’y paulit-ulit na pamboboso ng kapitbahay na si Jeric habang siya ay naliligo.

Ayon sa larawan na ipinakita nila sa programa, may butas ang pader ng banyo kung saan daw inilagay ni Jeric ang kanayng phone na gamit sa pagkuha ng video.

“Kapag ikaw ay nabastos, nahipuan, nabosohan, it’s not the same but it’s almost the same feeling ng na-rape ka or to put it in another word, sa English, na-violate ka. So nato-trauma ka du’n,” sabi ng senador habang hinihimay ang mga detalye ng isyu kasama ang mga co-host na sina Pia Cayetano at Boy Abunda.

Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’

“Sa sakop ng batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act, ‘yung pagkuha pa lang ng picture or video do’n sa private parts, kahit hindi siya nakahubad, pero let’s say naka-underwear, na walang consent ng isang tao, it’s already a crime.

“Na ‘yung kulong niya is three to seven years, and P100,000 to P500,000 ang fine,” paliwanag ni Sen. Pia para sa kaalaman ng lahat.

Kasama naman ang kanyang asawang si Jhea Mae, mariing itinanggi ni Jeric ang akusasyon ni Mary Jane dahil ayon naman sa kanya, hinahanap lang niya ang alagang manok bandang alas-4 ng madaling-araw.

“‘Pag naghahanap ka kasi ng manok nang 4 a.m. at may naliligo, nando’n, siyempre kahit sino parang, ‘hindi ka ba natatakot na umikot-ikot sa lugar na hindi mo lugar?’ Halimbawa nabaril ka nu’ng time na ‘yon, baka ikaw nasa tama pero patay ka,” sabi ni Sen. Alan kay Jeric.

Mas lumala pa ang sitwasyon dahil nauwi ito sa pananakit ni June kay Jeric.

“Possible na maiintindihan nu’ng piskal at judge ‘yon, e. Pwede pang sabihin na parang dinedepensahan mo asawa mo. Pero ‘yung sinundan mo na sa bahay, kahit sabihin mong mainit ulo at sinaktan mo, malamang kasuhan ka rin ng piskal ng physical injuries,” sabi naman ng senador kay June.

“When you take the law into your own hands, meron na rin silang ikakaso sa ‘yo,” aniya pa.

Bagamat gusto na sanang makipag-ayos ni Jeric sa nagrereklamo, nanindigan naman si Mary Jane sa kagustuhang maparusahan si Jeric.

“Kahit maghapon lang po siyang makulong, masayang-masaya na po ako,” aniya.

Dito, pinayuhan na ng mga host na mambabatas si Mary Jane na idiretso na ang kaso sa piskal.

“Parati tayong may natututunan. Minsan nae-expect natin ‘yung ending, minsan hindi. May biglang twist dyan, pero minsan, talagang mabigat ‘yung sitwasyon, we can’t really judge, we can just give guidelines,” sabi ni Sen. Alan.

Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’

“Lahat ng ating actions ay may consequences. Kontrolado natin kung ano ang ating gagawin pero hindi natin kontrolado ‘yung consequence. Mag-isip talaga tayo twice before we say or do something na pwedeng makasakit sa iba,” dagdag pa niya.

Ibinahagi naman ni Tito Boy ang kanyang takeaway sa isyu, “I want to be cautious dahil natutunan ko sa buhay na ito that sometimes, what’s seen is not always what is.

“Kaya nga meron tayong batas na nangangailangan ng ebidensya, nangangailangan ng vetting, nangangailangan ng witnesses, para makasiguro lahat ng ito dahil we want to be fair,” ang punto ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7, at may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 ng gabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending