Ina ng batang na-bully, may bipolar disorder pinayuhan

Ina ng batang na-bully at may bipolar disorder pinayuhan ng CIA with BA

Ervin Santiago |March 15,2024
facebook
share this

Ina ng batang na-bully at may bipolar disorder pinayuhan ng CIA with BA

Ervin Santiago - March 15, 2024 - 09:54 AM

Ina ng batang na-bully at may bipolar disorder pinayuhan ng CIA with BA

“MARAMING bata ang may mental health problems… bukas ang programa para sa mga problemang ganito,” ang sabi ni Boy Abunda sa episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, March 10.

Dumulog si Betty sa programa sa pamamagitan ng “Payong Kapatid” segment upang humingi ng tulong at payo tungkol sa kanyang anak na nabiktima ng cyberbullying ng isa nitong kaklase.

Ibinahagi niya na noong 2021, natuklasang mayroong bipolar disorder ang kanyang anak.

Ito ay na-trigger umano ng pag-uusap sa kanilang group chat na may mga ‘di magagandang salita, dahilan upang subukan ng kanyang anak na tapusin ang kanyang sariling buhay.

Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’

Na-confine ang kanyang anak sa National Center for Mental Health (NCMH), isang ospital na nakatutok para sa mental health care services.

“Ayon sa batas, lahat ng schools — elementary at high-school, public and private — ay kailangan po ay may mekanismo para sa anti-bullying at may mekanismo ‘pag may nag-complain. And ‘yung mismong batas ay may mga minimum guidelines,” paliwanag ni Sen. Alan Peter Cayetano.

“So you can actually complain sa school. You don’t have to go out of the school pa,” dagdag pa niya.

Ayon kay Kuya Alan, may iba’t ibang aspeto na dapat tingnan sa mga kasong katulad nito.

“One is medical. Secondly is the legal, at du’n kami magbibigay ng advice sa ‘yo, at kasama sa legal ‘yung administrative, meaning sino ba dapat ang nag-minister o nag-administer, which is the school. And this applies to all school around the Philippines,” sabi niya.

Ikinuwento rin ni Betty na pinagharap sila ng magulang ng batang nam-bully sa anak sa guidance office ng paaralan. Bagama’t ‘di niya ramdam na sinsero, humingi naman daw ng tawad ang kabilang panig.

“Irrelevant kung feeling mo, sorry o hindi,” prangkahang sinabi ni Alan. “But in this case nga, it’s the mechanism nu’ng anti-bullying e. So if it happened once, and it was explained to them and they say ‘sorry,’ nagawa nung school ‘yung oblisgasyon nila. Hindi obigasyon kasi ng school to make you feel na sincere ‘yon e.”

Ngunit ipinarating naman ni Alan na naiintindihan niya si Betty bilang isa ring magulang.

Baka Bet Mo: Maxene sa paglaban sa mental health problem: It’s OK not to be OK…

“I think ‘pag anak, and then may nagyayari, you really want to be mad at someone e… kasi nga ‘yung puso mo, masyadong nandon sa bata. But ‘yun nga, ‘wag mo munang isipin ‘yung ugali ng parent, ‘yung ugali nung anak, etc. Isipin mo muna anak mo,” aniya.

“If they’re willing to say ‘sorry’ at tatanggapin naman nu’ng anak mo at ikagagaling naman niya, ‘yon, ‘di ba? Whether talikuran mo muna o ipasa-Diyos mo kung sincere sila o hindi, kasi ibang usapan ‘yon e.

“Then on the medical side, kung may matutulong kami, alam naming mahabang usapan ‘to, magastos, etc. But one thing we can do is to help you with the medical needs,” pangako ng mambabatas.

Para naman kay Sen. Pia Cayetano, “Ayoko naman gamitin ‘yung salitang ‘move on.’ Ang gusto kong sabihin is, sa ngayon pansamantala… pwede siguro ‘yung energy mo ibuhos mo du’n sa kung anong maitutulong mo sa anak mo at kung ano din maitutulong namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“For your sake, to be the best possible mother your child needs now, rely ka talaga dito sa mga professionals and give your daughter all the love and support that she needs,” dagdag pa ng senadora.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending