Vice: Di ako magiging mabait kung winawalanghiya mo asawa ko

Vice: Hindi ako magiging mabait sa ‘yo habang winawalanghiya mo asawa ko

Ervin Santiago |April 18,2024
facebook
share this

Vice: Hindi ako magiging mabait sa ‘yo habang winawalanghiya mo asawa ko

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 11:00 AM

Vice: Hindi ako magiging mabait sa 'yo habang winawalanghiya mo asawa

ion Perez at Vice Ganda

RELATE much ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa isyu ng mga “toxic friends” at mga traydor na kaibigan.

Nag-open up ang TV host-comedian tungkol sa usaping ito sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” segment sa “It’s Showtime.”

Inamin ni Vice na naka-experience na rin siya ng mga nakakalokang pagtrato mula sa kanyang mga toxic friends at kung paano niya ipinaglaban ang mga taong minamahal sa mga ganitong klase ng mga kaibigan.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes umaming ‘gantitera’ sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse

Na-trigger ang komedyante na magbukas ng kanyang saloobin about this issue nang magkuwento ang mga searchee na si Micko at ang ex niyang si Marila sa personal experience nila sa ilang toxic na kaibigan na nakikialam sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Sabi ni Vice, hinding-hindi siya papayag na laitin at maliitin ng mga kaibigan niya ang kanyang partner.

“Hindi ako magiging mabait sa iyo habang winawalanghiya mo ang asawa ko. Hindi. I will give back the same energy. Makakaasa ka. Hindi na ako ganu’n kabait,” ang malalim na hugot ng TV host-comedian.

Aniya pa tungkol sa boundaries na kailangang irespeto ng mga kaibigan niya, “I will protect this space. Hindi ako lalabas para sa inyo. Hindi rin kayo makakapasok. Proprotektahan ko itong espasyong ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Inamin ni Vice na naranasan na rin niyang malagay sa sitwasyon ni Micko kaya ang advice niya rito, “Kailangan mong maging matatag at ma-realize iyon kasi nangyari rin sa akin ‘yan, eh.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?

“Naisip ko noon, ‘Baka hindi magustuhan ng audience. Baka talikuran yung career ko.’ Ginulo din ako, ginulo din ‘yung utak ko hanggang sa (sinabi kong) ‘hindi,'” mariing sabi pa ng komedyante na in fairness ay maligayang-maligaya naman sa piling ng asawang si Ion Perez.

Para naman sa TV host-actress na si Kim Chiu mahalaga ang pagbibigay ng respeto sa mga taong mahalaga sa buhay ng ating mga kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Irerespeto mo dapat ‘yung mahal ng taong mahal mo o taong mahalaga sa iyo para ma-realize mo na lang na ‘Ah tama pala sila,’ parang ganu,n,” sey ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending