Andrea Brillantes umaming 'gantitera' sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse | Bandera

Andrea Brillantes umaming ‘gantitera’ sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse

Therese Arceo - September 23, 2023 - 04:17 PM

Andrea Brillantes umaming 'gantitera' sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse
AMINADO ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na hindi siya perpekto at may “toxic trait” rin siya sa mga nagdaang relasyon.

Sa latest vlog na ibinahagi ni Ivana Alawi ay nagkaroon ng Q&A portion ang dalawa kung saan sinagot nila ang mga ibinabatong tanong sa kanila ni Mona Alawi habang kumakain ng king crab.

Si Andrea ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni Mona na siya namang bunsong kapatid ni Ivana at sa unang pagkakataon ay nagsama-sama ang tatlo sa isang vlog.

Isa nga sa mga naibatong tanong sa dalawa ni Mona na mula sa netizen ay kung ano ang kanilang toxic behavior.

Sagot ni Andrea, “Ay… pero Ate [Ivana] honest ka ring sasagot kasi honest kong sasabihin ‘yung toxic behavior ko. Pero ito po promise, binabago ko na siya. As in. I’m trying my best. Gantitera po ako.”

Na-curious naman si Ivana kung ano ang ibig sabihin ni Blythe sa “gantitera”.

Sagot ni Andrea, “Gumaganti po pero ano po, applicable lang ito if relationship. Like kapag sa out of the relationship, minali mo ako, I just cut you off pero kapag sa relationship po, gantitera ako.

“‘Ha, paparty ka? Okay, paparty rin ako’. I really like to get even or I even get worse, parang ganiyan. May ganoon po akong ugali.”

Baka Bet Mo: Lovelife hugot ni Andrea: ‘Kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin…ganoon ko siya kamahal’

Bandera IG

Pero sinabi naman ni Andrea na sa ngayon ay binabago na niya ang pag-uugali niyang ito.

“As in ngayon binabago ko na kasi hindi po talaga maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali,” sey pa ng dalaga.

Ibinahagi rin ni Andrea na may isang pangyayari na sinubukan niyang kimkimin ang kanyang galit na umabot ng isang buwan at pinili na lang niya ay ipagdasal ito.

“Pinairal ko yung goodness in my heart and huwag padala sa ka-toxican ko, naging maganda yung buhay ko,” pag-amin ni Blythe.

Pagbabahagi naman ni Ivana, ang toxic behavior niya ay matagal maka-move in at mahilig mag-cut off ng mga tao.

Ngunit hindi naman ito sinang-ayunan nina Andrea at Mona dahil hindi naman ito toxic behavior at normal lang naman daw ito.

Sa huli ay natumbok rin nila ang toxic trait ni Ivana bilang paasa.

Depensa ni Ivana, “Toxic ba ‘yun? Hindi ba fun fun? Dati lang to a. Nagpapaiyak lang po ako ng mga lalaki.”

Related Chika:
Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes bet i-date si Jakob Poturnak, panawagan sa binata: I’m single now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending