Robin hinahanting na ang traydor na kaibigan ni Daniel | Bandera

Robin hinahanting na ang traydor na kaibigan ni Daniel

Cristy Fermin - September 28, 2014 - 03:00 AM

robin padilla
Ipinagtanggol ng kanyang tiyuhing si Robin Padilla ang pinakasikat na teen actor ngayon na si Daniel. Sa halip na ang kanyang pamangkin ang gawing pulutan ng mga bashers, ayon sa action star ay ang traydor na kaibigan ni DJ ang dapat sisihin-upakan, dahil ito ang naglagay sa young actor sa maselang sitwasyon.

Hinahanap na nga ngayon ni Robin ang nangtraydor na kaibigan ni Daniel, gusto niyang harap-harapang pangaralan ang hunyangong lalaki, marami siyang gustong sabihin sa nagpapanggap na kaibigan ng heartthrob.

“Kung may pagkakamali man si DJ sa nangyari, ‘yun, e, ang hindi pag-andar ng radar niya sa pamimili ng kakaibiganin! Pinagkatiwalaan niya ‘yung tao, inasikaso pa, wala siyang kaalam-alam na ang taong ‘yun pa pala ang magpapahamak sa kanya!

“Du’n lang siya puwedeng butasan, dahil sa lumabas na voice clip niya, e, wala naman siyang binastos, wala siyang tinapakan, isang kuwentuhang-panglalaki lang ‘yun na natural na nangyayari sa isang nagbibinatang katulad niya!

“Nakakaawa naman si DJ! Huwag naman nilang masyadong saktan ang bata, dahil wala siyang inagrabyadong tao sa voice clip na inilabas ng nangtraydor niyang kaibigan daw!” sarkastiko pang pahayag ng host ng Talentadong Pinoy.

May katwiran ang katwiran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending