Cristy Fermin sa pagiging ‘single’ ni Darren: Anong isyu?!

Cristy Fermin sa pagiging ‘single’ ni Darren Espanto: Anong isyu?!

Pauline del Rosario |April 12,2024
facebook
share this

Cristy Fermin sa pagiging ‘single’ ni Darren Espanto: Anong isyu?!

Pauline del Rosario - April 12, 2024 - 01:20 PM

Cristy Fermin sa pagiging ‘single’ ni Darren Espanto: Anong isyu?!

PHOTO: Instagram/@darrenespanto

HOT topic ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang isyung nababalot sa pagiging “single” ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Magugunita na naging ulo ng mga balita ang muling paggiit ni Darren sa isang panayam na wala siyang girlfriend at wala silang relasyon ng Kapuso actress at host na si Cassy Legaspi.

Ang tanong tuloy ni Nanay Cristy, bakit ginagawan ito ng kontrobersiya, lalo na’t wala namang inamin si Darren kahit noong umpisa pa.

“Bakit magkakaroon ng anumang isyu sa pagitan ni Darren at ni Cassy? Ang unang tanong, umamin na ba sila na naging magkarelasyon sila? Kahit ‘nung nagpunta sila sa Amerika, anong sabi nila, tight as friends lang sila,” sey ng veteran columnist sa latest episode ng “Cristy Ferminute.”

Patuloy niya, “Wala namang umamin sa kanila na magkarelasyon sila kaya ngayon na sinabi ni Darren na wala siyang girlfriend, anong isyu?”

Baka Bet Mo: Darren Espanto, Cassy Legaspi nagkaaminan ng feelings sa isa’t isa: ‘We found so many things in common’

Dagdag naman ng kasama ni ‘Nay Cristy na si Rommel Chika, “Tsaka hindi pa ba tayo maging masaya na sinabi mismo ng tao na single, so ibig sabihin ‘nun, walang ligawan, walang lahat na nangyari between Cassy Legaspi at tsaka sa kanya.”

Sumang-ayon sa kanya ang columnist, “Lagi naman kasi silang, ‘we’re just friends,’ ‘we’re close as friends,’ mga ganun. Para bang pinalabas lang nila na meron silang more than friends silang relasyon.”

“Pero kita mo ngayon na wala naman pala ‘diba. ‘Yan ang hirap eh. Sabi ng iba, aamin lang kapag hiwalay na, ‘diba laging ganun, umaamin na kapag hiwalay na,” saad pa niya.

Nabanggit din ng dalawa ang naging cryptic post kamakailan lang ng mag-ina na sina Cassy at Carmina Villaroel na ang pinaniniwalaan ng maraming Marites ay patama para kay Darren.

Ito ‘yung ibinandera ni Cassy ang kantang “Perfect Crime” ni Olivia Rodrigo, habang ang ipinost ng kanyang ina ay isang quote na ang nakasulat ay: “Don’t expect the same in return.”

“Pero alam mo, kung tayo ay magsusuot ng sapatos ni Carmina Villaroel, ganun din naman siguro ang gagawin natin, ipagtatanggol natin ang ating anak ‘diba kung napapahiya na. Pero anong pagkapahiya ‘yung sinabi niyang (ni Darren) na wala siyang girlfriend? Eh kailan ba umamin si Darren na may girlfriend siya?” sambit ni Nanay Cristy.

Tugon ni Romel, “Ang pangit kasi na matapos ang proyekto, ito na, meron nang ‘I’m single’ na ganap, pero ‘nung may projects sila, may pa-sweet silang image na dating, more than friends.”

Matagal nang naging vocal sina Darren at Cassy sa kanilang friendship sa kabila nang mga isyung may namamagitan sa kanilang dalawa.

Kung maaalala, nauna nang sinabi ng aktor na ine-enjoy pa nilang dalawa ang isa’t-isa at hindi sila nagmamadali pagdating sa pag-ibig.

“Cassy and I are always very honest when people ask this, there’s nothing happening official or anything,” sey ni Darren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagadag pa niya, “We are just enjoying each other’s time. We’re not rushing into anything po talaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending