Paolo, Desiree nag-away sa Tabing Ilog; John Lloyd buking

Paolo, Desiree nag-away sa Tabing Ilog; Patrick ibinuking si John Lloyd

Ervin Santiago |April 07,2024
facebook
share this

Paolo, Desiree nag-away sa Tabing Ilog; Patrick ibinuking si John Lloyd

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 07:43 AM

Paolo, Desiree nag-away sa Tabing Ilog; Patrick ibinuking si John Lloyd

Cast ng ‘Tabing Ilog’: Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Heaven Peralejo, Desiree del Valle, Paolo Contis at Jodi Sta. Maria

NAKAKALOKA ang mga rebelasyon nina  Paolo Contis at Patrick Garcia tungkol sa mga “unforgettable experience” nila noon sa taping ng “Tabing Ilog.”

Knows n’yo ba na nagkaroon pala ng matinding away si Paolo at ang ka-loveteam niyang Desiree del Valle habang nasa set ng “Tabing Ilog”?

Sumama naman ang loob ni Patrick sa isa pa nilang co-star sa barkada series noon ng ABS-CBN na si John Lloyd Cruz nang dahil sa butong pakwan.

Baka Bet Mo: Paolo atat na atat nang magkaroon ng ‘Tabing Ilog’ reunion; Kaye, Patrick kabado sa pagbabalik-showbiz

Sa guesting nina Paolo at Patrick sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” ay napag-usapan nga ang mga memories nila sa “Tabing llog” na umere noong 1999.

Nakasama nga nila sa naturang weekly series sina John Lloyd, Desiree, Kaye Abad, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria at Paula Peralejo.

Nang matanong ni Tito Boy ang tungkol kay Desiree, sinabi ni Patrick na si Paolo na lang ang magsasalita at dito nga inamin ng aktor na nagkaroon sila ng hidwaan noon ng kanyang ka-partner sa serye.

“There was a time na ‘yung friendship namin ni Des hindi naging okay, na nagkaroon ng point na hindi kami nagkikita sa set kahit magkaeksena kami,” pag-amin ni Pao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Aniya, may mga pagkakataon pa na magkahiwalay kinukunan ang kanilang mga eksena sa “Tabing Ilog” at saka ie-edit para lumabas sa serye na magkasama sila.

Baka Bet Mo: Desiree del Valle nanganak na, hirit ni Boom Labrusca: Good job, Mommy!

Hindi na nagdetalye pa ang aktor sa naging away nila ni Desiree pero diretsahan niyang inamin na totoong niligawan niya that time si Desiree.

Samantala, naikuwento naman ni Patrick ang nangyari sa taping ng “Tabing Ilog” kung saan bigla na lang daw kinuha ni John Lloyd ang inipon niyang butong pakwan na binalatan niya para lafangin.

“Kasi iniipon ko, eh. Tapos sabay-bay kong kakainin sana. Kinuha niya (Lloydie) sa akin tapos kinain niya. Masama ang loob ko nu’n,” ang natatawang pagbabalik-tanaw ni Patrick.

Ibinuking naman ni Paolo si Patrick nang ma-late ito nang bonggang-bongga sa taping ng “Tabing Ilog” — imagine, 7 a.m. daw ang kanilang call time pero 7 p.m. na siya dumating.

Nag-explain naman si Patrick tungkol dito, aniya nasa location na rin daw siya ng 7 a.m. pero sa ibang set daw siya naghihintay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkakasama ngayon ang mga “Tabing Ilog” stars na sina Paolo, Patrick at Kaye sa pelikulang “A Journey” na mapapanood sa Netflix sa April 12.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending