Patrick Garcia ipinagmalaking 4 years nang hindi nagyoyosi, hirit ng asawang si Nikka: 'So proud of you!' | Bandera

Patrick Garcia ipinagmalaking 4 years nang hindi nagyoyosi, hirit ng asawang si Nikka: ‘So proud of you!’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Patrick Garcia ipinagmalaking 4 years nang hindi nagyoyosi, hirit ng asawang si Nikka: ‘So proud of you!’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 07:29 AM

Patrick Garcia ipinagmalaking 4 years nang hindi nagyoyosi, hirit ng asawang si Nikka: 'So proud of you!'

Patrick at Nikka Garcia kasama ang kanilang mga anak

ITINUTURING ng aktor at celebrity daddy na si Patrick Garcia na isang bonggang achievement ang pagtalikod at pagtigil niya sa paninigarilyo.

Nitong nagdaang Biyernes, September 15, talagang ipinagdiwang ni Patrick ang special milestone sa kanyang buhay, ang 4th anniversary ng tuluyan niyang pagku-quit sa paghithit ng yosi.

Nag-post ang dating matinee idol sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato katabi ang isang signage na may nakasulat na “This area is smoke free.”

“Today I celebrate 4 years of being smoke free!” ang inilagay niyang caption.

Maraming netizens ang nag-congratulate kay Patrick, ang iba nga ay nagsabi pa na sana’y magkaroon din sila ng tapang at disiplina na tumigil at kalimutan na rin ang paninigarilyo.

Nagkomento rin ang asawa ni Patrick na si Nikka sa nasabing IG post at sinaging super proud siya sa aktor dahil napagtagumpayan nito ang pagtigil sa nasabing bisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia)


Siguradong tuwang-tuwa si Nikka kay Patrick dahil magiging best example ito sa mga anak nilang sina Michelle, Patrice, Pia, at Enrique Pablo, pati na rin sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Baka Bet Mo: Paolo atat na atat nang magkaroon ng ‘Tabing Ilog’ reunion; Kaye, Patrick kabado sa pagbabalik-showbiz

Sa isang report ng Centers for Disease Control and Prevention nakasaad na, “smoking and tobacco can cause cancer, heart disease, stroke, lung diseases, diabetes, and chronic obstructive pulmonary disease.”

Base sa isang health website, may 19.9 million smokers na sa Pilipinas as of 2019.

Samantala, nauna rito, nag-post din si Nikka ng mensahe sa IG para sa kaarawan ni Patrick last Thursday,  “Happiest birthday to the love of my life!

“You are such a good man!!! An amazing father and a wonderful husband! There is truly nothing more I can ask for. I am over and beyond proud of you, Patrick!!!

“May God bless you more always! All ways! I looooooove you,” ang bahagi pa ng birthday message ni Nikka para sa asawa.

Alfred Vargas nabawasan ang kaibigan nang mag-quit sa pagyoyosi; natakot magka-cancer na ikinamatay ng kanyang nanay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending