Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman | Bandera

Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman

Therese Arceo |June 17,2023
facebook
share this

Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman

Therese Arceo - June 17, 2023 - 02:13 PM

Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman

PUMANAW na ang kilalang 90s matinee idol na si Patrick Guzman ayon na rin sa kaibigan nitong si Ogie Alcasid.

Ngayong Sabado, June 17, ibinahagi ng TV host-singer ang kanilang larawan kung saan kasama rin nila sina Anjo Yllana at Michael V., kalakip ang balita ukol sa pagpanaw ng kaibigan.

“Here you are Pat (Patrick) Guzman with @michaelbitoy and @anjoyllana in our younger years doing our photo shoot for our blockbuster hit ‘Mama’s Boys 2’. So shocked and sad that you have gone to heaven so suddenly,” pagbabahagi ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Rest now brother. I will always remember the wonderful times we had while filming so many movies together. Be with Jesus.”

Wala namang ibang detalyeng nabanggit si Ogie ukol sa naging sanhi ng pagkamatatay ni Patrick.

Baka Bet Mo: Ogie Alcasid lumabas ang pagiging relihiyoso, naglabas ng gospel songs para sa Semana Santa

Sa panibagong Instagram post ay ibinahagi rin ng Kapamilya singer-actor ang kanilang larawan na kuha sa isang hotdog stand sa ibang bansa.

“We loved hotdogs and sausages. Here we are in one of our tours jn Canada having a bite with rey. Ty @rey_lanada for sending the pic. RIP bro. Pat Guzman,” sey pa ni Ogie.

Maging ang iba pa nilang mga naging katrabaho at kaibigan sa industriya ay nagulat sa pagpanaw ni Patrick.

“Oh no,” saad ni Michael V. na nakasama nga nila Ogie at Patrick sa “Mama’s Boy 2”.

Sey naman ni Dennis Padilla, “Bro what happened to pat? Nakasama ko din sa Viva… Sad news.”

“This is Really heartbreaking. Rest in Peace dear Patrick,” pakikiramay naman ni Dingdong Avanzado.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang pamilya ni Patrick ukol sa pagpanaw ng dating aktor.

Unang nakilala ang 90s hearthrob bilang modelo ng sikat na brand ng relo hanggang sa unti-unti ay naging aktor at bumida sa mga pelikula.

Sikat sa palayaw na “Papa P” noon si Patrick dahil nga sa kagwapuhan nito pati na rin sa ganda ng katawan.

Huling napanood si Patrick sa Star Cinema movie na “Kung Ako Na Lang Sana” kasama sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Chika:
Piolo ibinunyag na may reunion project kasama sina Diether, JLC, Jericho: ‘It could turn into a TV series or movie’

Ronaldo Valdez ‘super happy’ sa bonding nila ni Tom Taus: Reunited after 27 years!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending