Regine Velasquez pagod na sa mga taong 'nagpapanggap', Ogie Alcasid may hugot sa 'taong galit' | Bandera

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Therese Arceo - October 07, 2022 - 02:50 PM

Regine Velasquez pagod na sa mga taong 'nagpapanggap', Ogie Alcasid may hugot sa 'taong galit'
HINDI maiwasan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na maglabas ng saloobin sa mga taong “mapagpanggap”.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang mga taong kunyari daw ay may pakialam sa relasyon nila ng asawang si Ogie Alcasid.

“By the way nakakapagod na yung mga taong nagpapangap na ‘we care about her’ and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail,” saad ni Regine.

Pagpapatuloy pa ng Asia’s Songbird, “I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay.”

Umani naman ng samu’t saring komento ang tweet ni Regine mula sa kanilang mga tagasuporta.

“Nako Ate please wag ka paapekto sa kanila, kami ang mga tunay na nagmamahal sa’yo at wala kaming ibang hiling kundi ang kaligayahan mo. Love you Queen! Shake it off!” comment ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Saad naman ng isa, “As a fan of yours since 2004 and nag out kau ng 2007, I was so happy for you Ate Regine. kasi nakikita kong masaya ka kay Kuya @ogiealcasid and thanks to him kasi sobra ka niyang mahal at napapasaya. Block mo na lang po yung mga panget ang sinasabi about kay Kuya. Basta happy kayo, ako rin.”

“Hays. Kainis naman. Minsan kasi may mga tao lang din nagpapanggap na masaya sila para sa atin tapos di naman. Yaan mo nalang. Basta masaya kayo okay na yun!” sey naman ng isa pa.

Samantala, may hugot rin ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid sa kanyang Twitter account.

“There are a lot of angry people around. I pray that their anger subsides so that real peace will reign in their hearts,” saad ni Ogie.

Dagdag pa ng asawa ni Regine, “The world is much too toxic and we all need relief from it. Spreading GV this am. Love to all.”

Wala man nabanggit pang ibang detalye si Ogie patungkol sa kanyang tweet ngunit marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa naunang tweet ng Asia’s Songbird.

Matatandaang nagkaroon ng chika kamakailan na diumano’y may pinagdaraanan raw ang mag-asawang Regine at Ogie. Bukod rito, “on the rocks” na ang kanilang relasyon.

Pinabulaanan naman ito ng dalawa at sinabing walang katotohanan ang mga kumakalat na chika.

Related Chika:
Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending