Regine pinaglihian si Kim: I'm a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya! | Bandera

Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

Ervin Santiago |September 26,2022
facebook
share this

Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 07:52 AM

Regine Velasquez pinaglihian si Kim Chiu

Regine Velasquez at Kim Chiu

KNOWS n’yo ba na super fan din ni Kim Chiu ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez?

Ibinandera ni Regine sa isang episode ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN na “fan na fan” siya ni Kim  kahit noon pa man.

Sa katunayan, sa sobrang pagiging fan ni Regine at si Kim daw ang pinaglihian niya noong ipinagbubuntis ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nathan na 10 years old na ngayon.

“Nu’ng buntis ako, pinaglihian ko kasi siya (Kim),” pagbabahagi ni Regine.

Ipinaalala naman ng girlfriend ni Xian Lim sa madlang pipol na ang Songbird ang kumanta ng theme song ng hit Kapamilya primetime series niyang “My Binondo Girl” na ipinalabas noong 2011.

Pagbabalik-tanaw ni Regine, nasa GMA 7 pa raw siya noon pero agad siyahlng pumayag na kantahin ang theme song ng teleserye ni Kim dahil nga tagahanga siya ng dalaga.

“Kinanta ko talaga iyon kasi fan na fan ako. Tapos yung gustung-gusto ko talaga siya. I just wanted to sing the theme song of her soap,” sey ni Ate Regs.

Sabi ni Regine, hindi raw siya nagkamali sa paghanga kay Kim,  “Alam mo yung pag nami-meet mo yung hinahangaan mo ‘tapos parang pagka tinitignan mo, yung parang hindi ako nagkamali kasi mabait.

“Di ba, parang matutuwa ka rin. Parang, ‘Ay, di ako nagkamali, ang bait,’” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Tawa nang tawang chika pa ni Regine, nagpaka-feeling close raw talaga siya kay Kim noong lumipat na siya sa ABS-CBN mula sa GMA, “Nakakatuwa, nakaka-proud, ano ko yan, beshie kami niyan kahit hindi naman talaga.

“Pero pakiramdam mo beshie kayo, yung ganu’n. Natutuwa ako. I just want you to know that I have been a fan, bata ka pa lang,” aniya pa.

Pag-amin pa ng Songbird, “Kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nga medyo nai-starstruck ako, kaya nakatunganga lang ako.”

“’Tapos yung asawa ko (si Ogie Alcasid), tuwang-tuwa sa kanya kasi ang bait-bait daw talaga,” dagdag pang chika ng TV host-actress.

Magkasama naman sina Kim at Ogie sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” habang nagkakasama rin ang aktres at si Regine sa “ASAP Natin To.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa ni Regine kay Kim, “But you do inspire a lot of people, like ako. Kahit mas matanda ako sa iyo, nai-inspire mo rin ako.”

Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending