Desiree del Valle nanganak na, hirit ni Boom Labrusca: Good job, Mommy! | Bandera

Desiree del Valle nanganak na, hirit ni Boom Labrusca: Good job, Mommy!

Ervin Santiago |October 07,2021
facebook
share this

Desiree del Valle nanganak na, hirit ni Boom Labrusca: Good job, Mommy!

Ervin Santiago - October 07, 2021 - 10:04 AM

Boom Labrusca, Desiree del Valle at Baby Alexander

ISINILANG na ng Kapamilya actress na si Desiree del Valle ang panganay nila ng asawang aktor na si Boom Labrusca.

Masayang ibinalita ng celebrity couple sa madlang pipol na finally ay nasilayan na nila ang kanilang first child na matagal-tagal din nilang hinintay.

Sa kani-kanilang Instagram page, ibinahagi nina Boom at Desiree ang ilang litrato ng bagong-silang nilang baby. Ito’y makalipas lamang ang ilang oras matapos manganak si Desiree nitong nagdaang Oct. 4 eksaktong 2:14 p.m..

“As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

“Thank you Lord for our son,” dagdag pang chika ni Desiree.

Abot-langit naman ang kaligayahan at pasasalamat ni Boom dahil sa ligtas at maayos na panganganak ng kanyang asawa.

Aniya tungkol sa pagle-labor ni Desiree, “one of the if not the longest one hour of my life.”

Pagpapatuloy pa ng aktor at tatay ni Tony Labrusca, “To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife, good job, mommy.”

“To all the doctor’s and nurses at st. Lukes erod maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina,” pahayag pa ng aktor.

Saludo rin daw siya sa lahat ng mga nanay na talagang nagsasakripisyo at nagtitiis masiguro lamang na maayos at malusog ang kanilang mga ipinagbubuntis.

“Maaring nandoon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay ‘di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao,” pahayag pa ni Boom.

“Team work makes the dream work. I love you so much,” aniya pa kay Desiree.

Kung matatandaan, sinabi ni Desiree na hindi nila maipaliwanag ni Boom ang kanilang nararamdaman nang nalamang magkakaroon na sila ng baby.

“When I saw this (pregnancy kit na nagpapatunay na buntis siya), sobrang happy namin ni Papi. Halong tawa, halong iyak. Tumatalon kami pareho tapos hawak ko lang ito (kit),” ani Desiree sa isang panayam.

“Sobrang happy ko, sobrang ang lakas lakas ng heartbeat niya. Parang I couldn’t believe na there’s actually a living baby inside me noong time na ‘yon at saka kung gaano na siya kabuo,” sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Boom at Desiree noong January, 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending