Mariz pinipilit mag-join sa Bb. Pilipinas pero ayaw talaga

Mariz pinilit mag-join sa Bb. Pilipinas; Raffy nag-voiceover sa ‘That’s’

Ervin Santiago |April 03,2024
facebook
share this

Mariz pinilit mag-join sa Bb. Pilipinas; Raffy nag-voiceover sa ‘That’s’

Ervin Santiago - April 03, 2024 - 06:20 AM

Mariz pinilit mag-join sa Bb. Pilipinas; Raffy nag-voiceover sa 'That's'

Raffy Tima at Mariz Umali

MARAMING nanghikayat noon sa Kapuso news anchor at TV host na si Mariz Umali na mag-join sa Binibining Pilipinas pageant.

In fairness naman kasi sa “Unang Hirit” host, maganda at matalino naman talaga siya kaya hindi na nakaka-shock na hikayatin siya ng kanyang mga kapamilya at kaibigan na sumabak sa mga beauty pageant.

Pero ayon kay Mariz, never niyang pinangarap ang maging beauty queen. Hindi raw niya nakikita ang sarili na rumarampa sa stage na nakasuot ng two-piece bikini.

Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ hosts huling-huli sa panonood ng ‘Showtime’, netizens napa-react: Background ‘yung nagdala!

“Noong college po ako, may nag-invite po sa aking sumali sa Binibining Pilipinas. Pero parang hindi po talaga para sa akin ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marizumali (@marizumali)


“Unang una, hindi ko nga kayang magsuot ng two-piece eh,” ang natatawang sey ni Mariz sa interview sa kanila ng asawang news anchor din na si Raffy Tima sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Patuloy niyang kuwento, “So noong panahon po na ‘yon, I was encouraged by my colleagues. Noong time po kasi na ‘yon, nag-number one ako na counselor sa University Student Council.”

Tatakbo raw sana siyang vice chairman ng kanilang student council nang mag-backout ang kanilang chairman, kaya  siya ang gusto ng kanyang mga schoolmates na mag-chairwoman.

Baka Bet Mo: Mariz, Ronnie Ricketts ‘nagkahiwalay’ bilang mag-asawa makalipas ang 28 taon: Ito po yung challenge sa amin…

Pero ayon sa broadcast journalist, gustung-gusto na raw niyang magtrabaho sa GMA that time.

“Pero talaga nu’ng time po na ‘yun, inisip ko na lang ‘yung mga colleagues ko na ini-encourage ako. Pero talagang my mind was already for reporting.

“Noong time po na ‘yun kasi, pa-graduate na po ako. If I won du’n sa chairmanship na ‘yun, mag-stay pa ako for another semester,” sabi ni Mariz.

“Pero nu’ng time na ‘yun, ga-graduate na ako eh. And talagang nu’ng time na ‘yun, gusto ko na maging reporter. Gusto ko na pumasok sa GMA,” dugtong pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marizumali (@marizumali)


Samantala, inalala naman ni Raffy ang araw nang mapili siya para mag-voiceover sa Kapuso youth oriented variety show na “That’s Entertainment.”

“Noong time na ‘yon kasi, college ako nu’n. Um-absent ‘yung voiceover talent ng That’s Entertainment. Wala talagang makuha si Direk Perry pa na floor director,” pagbabahagi ng “Balitanghali” anchor sa GTV.

Hanggang sa ituro nga siya ng kanyang mga kaklase dahil nga sa pagbo-voiceover niya sa kanilang mga school activities.

“So medyo panic na kasi live nu’ng time na ‘yun. ‘Sino ang puwedeng mag-voice?’ Tinuro ako ng mga classmates ko kasi nagbo-voice ako sa school,” aniya.

Pinag-try naman siya at ipinabasa ang introduction sa “That’s” na, “Let’s welcome, Mr. German Moreno!” In fairness, pumasa naman daw ito sa direktor ng show.

“‘Puwede na ‘yan!’” ang sabi raw kay Raffy ng direktor.

“Ang hirap basahin ng sinusulat doon sa idiot board pero kailangan mong i-modulate ‘yung boses mo. So yeah, ang sarap na experience,” chika pa ni Raffy Tima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandang ikinasal sina Mariz at Raffy noong December 8, 2012. Naging friends muna ang dalawa ng dalawang dekada hanggang sa magkainlaban na nga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending