Mariz Umali kay Raffy Tima: Kung ‘di na tayo magkaanak, OK lang ba yun?
HANGGANG ngayon ay wala pa ring baby ang mga Kapuso news anchor at broadcast journalist na sina Mariz Umali at Raffy Tima.
Mahigit 12 years na silang mag-asawa ngayon kaya marami ang nagtatanong kung choice ba nila ang hindi magkaroon ng mga anak o naghihintay pa rin sila sa pagdating ng tamang panahon.
Sa episode kahapon ng “Fast Talk With Boy Abunda,” binigyan ng chance sina Mariz at Raffy na itanong sa isa’t isa ang question na hindi pa nila kailanman naibulalas nang personal.
Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ hosts huling-huli sa panonood ng ‘Showtime’, netizens napa-react: Background ‘yung nagdala!
Diretsahang tanong ni Mariz sa kanyang asawa, “Kung sakali ba na hindi na tayo magkaanak, okay pa rin ‘yun?”
Sagot sa kanya ni Raffy, walang problema o isyu sa kanya kung sakali mang hindi sila biyayaan ng anak
“Of course okay lang ‘yun. Kasi unang-una bilang si Mariz Umali, marami na siyang naimpluwensyahan, marami na siyang anak, Tito Boy.
View this post on Instagram
“Marami siyang na-influence du’n sa kanyang magandang buhay, so ang dami naming tinuturing na mga anak-anakan at we’re very proud of them. Mga naging kaibigan na namin sila,” pahayag ng isa sa mga anchor ng “Balitanghali” sa GTV.
Baka Bet Mo: John Lapus inakusahang binu-bully si Duterte; Ogie ipinagtanggol si Raffy sa madlang pipol
Ang naman ni Raffy sa pinakamamahal niyang asawa, “Ano ‘yung nakita mo sa akin na ako ‘yung pinili mo?”
Tugon ni Mariz, nakita raw niya kay Raffy ang lahat ng mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.
“Natatalinuhan ako sa kanya pero I didn’t know na sobrang funny rin pala niya. So parang it’s a complete package.
“Everything that I need, everything that I want and everything that I hoped for and I prayed for, nasa kanya,” paliwanag ng “Unang Hirit” host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.