Mariz Umali hindi na umaasang magso-sorry si Mayor Duterte | Bandera

Mariz Umali hindi na umaasang magso-sorry si Mayor Duterte

Ervin Santiago - June 03, 2016 - 12:15 AM

MARIZ UMALI AT RAFFY TIMA

MARIZ UMALI AT RAFFY TIMA

HINDI na umaasa ang GMA News anchor at reporter na si Mariz Umali na magso-sorry sa kanya si President-elect Rodrigo Duterte matapos siyang sipulan sa kalagitnaan ng isang presscon noong Martes.

Naging viral ang video ng nasabing presscon kung saan sinipulan nga ni Digong si Mariz habang nagtatanong sa kanya. Marami ang nabastusan sa ginawa ng bagong pangulo, kabilang na ang asawa ni Mariz na si Raffy Tima, isa ring news anchor at reporter ng GMA.

Nauna nang naglabas ng sama ng loob si Raffy sa ginawa ni Duterte sa kanyang misis.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Raffy ng kanyang saloobin laban sa pangulo. Anito, “I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right.

“For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic.”

Sa panayam naman ni Kara David sa News To Go ng GMA News TV kahapon, sinabi ni Mariz na walang sinuman sa kampo ni Duterte na lumapit sa kanya para humingi ng pasensiya sa inasal ng bagong halal na pangulo.

“From their end, walang lumapit o nakipag-usap man lang. I’m not expecting any apology, pero wala man lang nakipag-usap from their end,” ani Mariz.

Dagdag ng Kapuso news anchor, kinontrol na lamang niya ang kanyang emosyon matapos siyang sipulan ni Digong at ipinagpatuloy ang pagtatanong bilang bahagi ng kanyang trabaho.

“Kahit ano ang situation, inisip ko na lang na I must understand na baka talagang palabiro lang itong si president-elect Duterte.

“Based on how I know him or kung ano yung mga alam ko sa mga coverages sa kanya ng mga ibang reporters.

“So, minentain ko na lang ang composure ko. I tried to understand what the situation was and try to get my answer, which I did.

“Siya naman, after doing his stunt there, sinagot naman niya ang ating katanungan,” paliwanag ni Mariz.

Dagdag pa niya, “Iniintindi natin ‘yan because sa mga coverage natin sa kanya talagang sinasabi niya na ganun talaga siya.

“Mayroon pa nga siyang sinabi na pabiro noong previous press conference na baka hindi raw perfect si God because He created him that way. Mayroon pa siyang sinabi na kapag daw nagbago siya ay hindi na siya si Rodrigo Duterte. So, again, iniintindi natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It may have been improper for a president-elect but, of course, we will continue to do our job and we are not expecting any apology from him personally,” sabi pa ng GMA news reporter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending