Yeng 4 years nang nagpapa-therapy; wala pang planong mag-baby

Yeng 4 years nang nagpapa-therapy; wala pa ring planong mag-baby

Ervin Santiago |January 09,2024
facebook
share this

Yeng 4 years nang nagpapa-therapy; wala pa ring planong mag-baby

Ervin Santiago - January 09, 2024 - 06:50 AM

Yeng 4 years nang nagpapa-therapy; wala pa ring planong mag-baby

Victor Asuncion at Yeng Constantino

APAT na taon nang sumasailalim sa therapy sessions ang Kapamilya  singer-actress na si Yeng Constantino.

Nagbukas ng kanyang puso’t isipan ang award-winning singer-songwriter tungkol sa kanyang mental health at married life sa pagpasok ng 2024.

Naikuwento ni Yeng sa madlang pipol ang tungkol sa kanyang mental health journey sa isang ulat ng ABS-CBN at kung gaano siya ka-focus ngayon sa married life at sa showbiz career.

“Talagang kinailangan ko ‘yun. Actually 4 years na ako nag te-therapy at hanggang ngayon nag-therapy pa rin ako.

“Kasi katulad namin mga tao na maaga nagtrabaho, ako nag-work ako 14 years old. Medyo marami kang bagahe, marami kang bagay na tiniis,” pagbabahagi ni Yeng.

Baka Bet Mo: Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

“‘Yung child in you, hindi nakapaglaro. Nakapaglaro ako pero hindi katulad ng ibang bata. There’s just part of my heart and my brain na kailangan ko i-tend to,” dugtong ng premyadong Kapamilya star.

Tungkol naman sa siyam na taong pagsasama nila ng kanyang  husband na si Victor Asuncion,  “Sobrang saya ko, kasi maganda samahan namin ni Yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Mag-nine years na kami next month and grabe lang talaga yung blessing ng relationship namin. Alam ko na it was a lot of work.

“Pinagpe-pray ko lang kay Lord na patuloy niya i-strengthen ‘yung relationship namin,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’

Ngunit kahit siyam na taon na silang kasal tila wala pa talaga sa plano nila ang magka-baby kaya nagbabalak daw sila ni Victor na magpa-freeze ng eggs kung sakaling mag-decide silang sumailalim sa IVF o in vitro fertilization.

“Talagang wala pa sa panahon ngayon. Hindi pa talaga namin nakikita na mag-baby kami, pero narinig ko nga si Ma’am Karen Davila.

“Before pinapayuhan na niya ako magpa-freeze daw ako ng eggs and I think I will listen to her kasi hindi ko din talaga alam kailan ako magiging ready,” sey ni Yeng.

Naniniwala raw sila na darating at darating ang pagkakaroon nila ng baby sa tamang panahon.

Sa isang panayam kay Yeng nag-share rin siya ng tips para sa mga mag-asawa, kabilang na rito ang pagbaba ng pride kapag may hindi pagkakaunawaan.

“Kailangan talaga, napaka-cliché, communication saka compromise. Saka pag yung isa mataas na, yung isa bababa rin ng kaunti. Wag sabayan, napakapraktikal ng payo na yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pag ka nandu’n na yung isa, ikaw naman ang kumalma. Kalmahan mo lang din,” sabi ng singer at songwriter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending