G22 wish maka-collab sina Yeng, KZ, SB19, Dionela
NAUNA na naming naisulat ang tungkol sa future projects ng P-Pop girl group na G22 at nabanggit nga nila ang tungkol sa pagnanais nilang makapag-release ng debut album very soon.
Sa naganap na press conference recently, nausisa ng ilang members ng entertainment press kung ano ang nais nilang maging atake sa ilalabas na album.
Ayon sa grupo, hoping sila na may mga maka-collab na bigatin at beteranong musicians –whether sa songwriting o kaya naman as featured artist.
“Sana may isang member ng SB19, sana meron,” sey ni Alfea.
Baka Bet Mo: G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ at Yeng: ‘Di sila nawalan ng pag-asa samin
Dagdag naman ni AJ, “Siguro isa sa mga mentor namin, si Ate KZ Tandingan and isa sa mga kinover namin na kanta Kuya Tim Dionela, possibility lang naman.”
Sagot naman ni Jaz, “Possibility lang [din] naman, isa sa mentors namin si Ate Yeng Constantino kasi she’s rebranding.”
Nang tanungin naman ang G22 kung ano ang wish nilang album sakaling sila ang papipiliin.
“Ako, it would be the alpha album, like, collaboration with big artists and also us artists, showing who we are, as in ‘yung writing skills namin and lyricism namin,” wika ng lider ng grupo na si AJ.
Saad pa niya, “Also collaborating those with big artists na talagang tutulong sa aming possible album na ito. So talagang malaking possibility din siya.”
Para naman kay Jaz, “Chapters ng mga buhay ng mga ibang artists at G22.”
“So our possible album will be like a little sneak peek ng isang female alpha, backstory ng ganitong artist na made such a great career for themselves and ngayon how are they are empowering. Basta magandang story,” paliwanag niya.
Lahad naman ni Alfea, “Sana maging different flavors itong album dahil maraming flavors sana ‘yung makikita niyo dito.”
Samantala, ang bagong hugot single nila na “One Sided Love” ay mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.