G22 matindi ang hugot sa bagong single na 'One Sided Love'

G22 matindi ang hugot sa bagong single: ‘Bago naging strong, we’re in pain’

Pauline del Rosario - April 27, 2024 - 02:37 PM

G22 matindi ang hugot sa bagong single: 'Bago naging strong, we're in pain'

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MAPANAKIT pero mapapaindak ka.

Ganyan inilarawan ng P-Pop female alphas na G22 ang kanilang bagong hugot song na may titulong “One Sided Love.”

Noong April 25, nagkaroon ng press conference ang girl group para sa nasabing single at kabilang sa mga naimbitahan ay ang BANDERA.

Sinabi nina AJ, Jaz at Alfea na nais nilang bigyan ng “something new” ang fans kaya naisipan nilang baguhin ang style at genre ng bagong single.

Chika ni AJ, “It’s giving you lofi R&B vibes na kapag pinakinggan mo siya, kahit malungkot ‘yung lyrics mapapaganun ka (tinataas baba ang balikat) pero umiiyak ka. So malilito ang brain mo, masaya ba ako or malungkot?”

Dagdag niya, “Bago tayo naging strong, we were in pain. Bago tayo lumaban sa ating mga life, sinaktan tayo, tinapaktapakan tayo…iniwan tayo, pinagpalit tayo. So ‘yung kanta na ‘to, it takes back kung bakit ba naging female alphas or naging alphas ang mga kababaihan.”

Baka Bet Mo: G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ at Yeng: ‘Di sila nawalan ng pag-asa samin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon naman kay Alfea, ang naging inspirasyon sa bagong hugot song ay ang mga kabataan na mapait ang pinagdaanan sa pag-ibig.

“Isa sa mga inspiration ko rin ‘yung mga nangyayari sa kabataan ngayon. Hindi lang naman puro happiness, siyempre ang mga kabataan may mga napagdadaanan na cute cute na love,” kwento niya.

Nilinaw naman ng lider ng grupo na malawak ang pwedeng maging mensahe ng “One Sided Love” at hindi lang ito para sa mga sawi sa pag-ibig.

“Pwede siyang i-interpret na one-sided na mindset, one-sided na friendship na talagang nararanasan natin na bakit may mga bagay na may kausap ka, pero feeling mo lang kausap mo kasi one-sided ang pananaw ng isang tao,” paliwanag ni AJ.

Giit niya, “So sobrang lawak ng kantang ito, it can be interpreted into different ways.”

Nang tanungin naman ang tatlo kung ano ang favorite part nila sa kanilang new song.

Para kay Jaz, “‘Yung chorus part kasi ‘nung una kong [napakinggan] ang kanta, na-LSS ako agad, as in super.”

Ang sagot ni AJ, “Ako siguro ‘yung simula niya kasi sobrang same ‘yung simula ng kanta sa after ng first chorus…talagang parang sa notes na ‘yun, mahu-hook ka na agad eh.”

Tugon naman ni Alfea, “Ako, ang pinakagusto ko, well dahil sa lyrics na rin, ‘yung sa bandang una, ‘yung parts na kinanta ni AJ: ‘Sa dami-dami kong sinabi/ Sa’yo nagbabakasakali/ Baka sa mundo mo pwede ako sumali/ Andito ‘ko sa tabi, naghihintay ng pake.’ Kasi it just shows someone na kapag naghihintay siya for something or someone, talagang gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para doon.”

Ang “One Sided Love” ay mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platforms, pati ang performance video nito.

Ayon sa G22, marami pa silang ilalabas na single ngayong taon at posible pa silang mag-release ng album.

Abangan din daw ang kanilang ganaps na ibabandera nila sa kanilang official social media pages.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending