G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ Tandingan at Yeng Constantino

G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ at Yeng: ‘Di sila nawalan ng pag-asa samin

Pauline del Rosario - April 27, 2024 - 09:18 AM

G22 ‘big ate’ ang turing kay KZ at Yeng: ‘Di sila nawalan ng pag-asa samin

G22, Yeng Constantino, KZ Tandingan

AYON sa Pinoy pop girl group na G22, hindi lang bilang “mentor” ang turing nila sa veteran singers na sina KZ Tandingan at Yeng Constantino.

Dahil para sa kanila, “big ates” na nila ang dalawang bituin ng music industry.

Sa isang press conference kung saan nag-promote ang grupo para sa bago nilang hugot song na “One Sided Love,” isa sa mga naitanong ng entertainment press ay kung ano-ano ang mga naitulong nina Yeng at KZ hindi lang pagdating sa kanilang musika, kundi pati na rin sa personal na buhay.

Usisa ng isang miyembro ng media, “Ate ba sila sa inyo whether music-related or not?”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: P-Pop group G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

Sagot ng main vocalist ng grupo na si Jaz, “Sobra po.”

“Kahit walang eksena ‘yung career, nandyan po sila to give us advice and also they’re checking on us sa tuwing nakikita namin sila sa office,” paliwanag niya.

Patuloy ng P-Pop idol, “They’ve guided us sa mga songs namin in terms of ‘yung tunog –si Ate KZ ang nag-vocal arrangement sa debut single namin [na] ‘Bang!,’ then si Ate Yeng naman, she’s helping us with our performance and emotions.”

Dagdag ng lider ng G22 na si AJ, “Hindi lang po ‘yun eh. Parang sobrang ate nila in a way that they keep us grounded.”

“Kasi po sobrang humble po nila na [kahit] bagong artist lang [kami], tinutulungan po nila kami and hindi lang ‘yun eh kapag sa office po, may feeling kami na meron kaming artist na may ate kami sa industriya…Sobrang bait po nila,” chika pa niya.

Sey naman ng lead dancer na si Alfea, “They are very good examples po para sa aming starting artists and also nakakatuwa po kasi kahit sa ups and downs naming G22, isa sila sa nag-support sa amin at hindi nawalan ng pag-asa sa aming tatlo kahit ano po mangyari.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Recently lamang, ni-release ng female alphas ang latest single nila na “One Sided Love” na inspired sa mga maraming kabataan na naging sawi sa pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinunyag din ng G22 na nais nilang bigyan ng kakaiba at bagong tunog ang kanilang fans kaya iniba nila ang style at genre ng bagong kanta.

Ang new song ay mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending