Yeng Constantino may bagong kanta para sa mister: ‘Ang sarap magmahal!’
MATAPOS ang siyam na taon mula nang ilabas ang hit song na “Ikaw,” nag-release ng panibagong love song ang sikat na OPM singer na si Yeng Constantino.
Tulad ng “Ikaw,” ang bagong kanta na pinamagatang “Kung Uulitin” ay isinulat niya para sa kanyang mister na si Yan Asuncion.
“After 9 years nakasulat ulit ng kanta para sa asawa ko! [happy face with hearts emoji],” caption niya sa isang Instagram post.
Kwento niya, “Ang ‘IKAW’ ay nasulat ko bago kami ikasal at tungkol sa bagong relationship namin noon, itong ‘KUNG UULITIN’ naman ay about sa hiwaga ng pag-ibig na kahit sobrang tagal na eh di parin nakakasawa mahalin ang taong pinili ko.”
Dagdag ni Yeng, ang kanta ay tungkol sa kanyang pagnanais na maranasan ang isa pang buhay ng pagmamahal kay Yan sa kabila ng mga hamon.
Baka Bet Mo: Yeng 4 years nang nagpapa-therapy; wala pa ring planong mag-baby
“Ang sarap magmahal parang kulang ang isang lifetime, kahit maraming pagdaanang pagsubok ulit gusto kong hilinging sana may isa pang ikot para makasama siya,” mensahe ng singer sa asawa.
Ani pa niya, “I hope this song will resound in your hearts the same way ‘IKAW’ did all those years ago.
View this post on Instagram
Sa hiwalay na IG post, ipinasilip ni Yeng ang naging recording session para mabuo ang kanyang bagong kanta.
Makikita na nakipag-collaborate siya sa mga dating miyembro ng Eraserheads na sina Raymund Marasigan at Buddy Zabala.
At dahil dedicated nga sa kanyang mister ang bagong single ay inilarawan niya ito na “very special” para sa kanya.
“Grabe tagal ko nang ‘di nakasulat ng song para sa kanya, kaya sobrang excited ako to share this with you,” ani ng singer sa post.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, taong 2015 nang ikinasal ang mag-asawa na naganap sa Hacienda Isabella sa Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.