G22 sa Women’s Month: ‘It’s a beautiful big blessing!’

G22 sa pagdiriwang ng Women’s Month: ‘It’s a beautiful big blessing!’

Pauline del Rosario |March 07,2024
facebook
share this

G22 sa pagdiriwang ng Women’s Month: ‘It’s a beautiful big blessing!’

Pauline del Rosario - March 07, 2024 - 05:32 PM

G22 sa pagdiriwang ng Women’s Month: ‘It’s a beautiful big blessing!’

PHOTO: Instagram/@g22official_

ISANG malaking biyaya ang maging isang babae.

‘Yang ang inihayag ng Pinoy pop girl group na G22 nang dumalo kami sa anniversary concert nila noong Pebrero sa Quezon City.

Kwento ng isa sa mga miyembro na si Alfea, “Nakakatuwa kasi isa talaga since debut days namin, palagi namin sinasabi na gusto namin iparamdam sa lahat ‘female alphas’.”

Patuloy niya, “‘Yun ‘yung naging advocacy talaga namin na i-uplift ‘yung spirits ng mga babae at hindi lang mga babae, all genders din po.”

Dagdag naman ng lider ng grupo na si AJ, “Na-inspire din kami dahil sa mga kababaihan, like sa mg stars na sina Ate KZ [Tandingan], Beyonce.”

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: P-Pop group G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“And kami, gusto rin namin maka-inspire ng tao kaya Happy Women’s Month!” pagbati niya pa.

Lahad naman ni Jaz, “Happy Women’s Month! Remember being a woman is a beautiful big blessing thing.”

“If you wanna be masculine, feminine, just be whoever you are and stay beautiful,” aniya pa. 

This year ang ikalawang anibersaryo ng G22 at aminado ang grupo na hindi pa rin sila makapaniwala sa mga pinagdaanan nila sa music industry.

Sey ni AJ, “Sobrang bilis po ng panahon, parang kahapon lang po kami nag-debut.”

“Pero syempre, ang dami naming natutunan, ang dami naming pinagdaanan at ngayon…wow, sobrang surreal pa rin talaga ang feeling,” ani niya.

Inilarawan naman ni Jaz na ang pagsasama nila bilang grupo ay isang “journey.”

“I would say, journey. It’s been a heck of a journey – ups and downs, full growth and may natutunan,” sambit niya.

Dagdag ng isa pa nilang miyembro na si Alfea, “Katulad lang din kay Jaz, pero ang naisip kong word ‘rollercoaster ride’ kasi ang dami naman talagang nangyari.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang G22 ay under ng Cornerstone Entertainment na binubuo nina AJ, Alfea at Jaz.

Noong February 25, 2022 nangyari ang official debut ng girl group kasabay ng kauna-unahan nilang single na “BANG!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending