EXCLUSIVE: G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

EXCLUSIVE: P-Pop group G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

Pauline del Rosario |February 27,2024
facebook
share this

EXCLUSIVE: P-Pop group G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

Pauline del Rosario - February 27, 2024 - 05:10 PM

EXCLUSIVE: P-Pop gorup G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

PASABOG at pak na pak ang naging selebrasyon ng second anniversary ng Pinoy pop girl group na G22 kasama ang kanilang fans!

Naghandog sila ng libreng concert na ginanap sa Eton Centris Walk sa Quezon City noong February 25.

Talaga namang enjoy na enjoy ang fans nila dahil maliban sa bonggang pagtatanghal ng G22, nagkaroon din ng special performance ang isa pang P-Pop group na Ajaa, at may pa-games pa with prizes from their sponsors.

At bilang naimbitahan ang BANDERA bilang isa sa mga entertainment press upang saksihan ang pagdiriwang ng girl group, hindi na namin pinalampas na chikahin ang G22 nang eksklusibo.

Baka Bet Mo: Members ng P-Pop group na G22 at VXON sa isang condo building nakatira, posible nga bang ma-in love sa isa’t isa?

Aminado ang grupo na hindi pa rin sila makapaniwala na dalawang taon na sila sa music industry.

Sey ng lider ng G22 na si AJ, “Sobrang bilis po ng panahon, parang kahapon lang po kami nag-debut.”

“Pero syempre, ang dami naming natutunan, ang dami naming pinagdaanan at ngayon…wow, sobrang surreal pa rin talaga ang feeling,” ani niya.

Inilarawan naman ng main vocalist na si Jaz na ang pagsasama nila bilang grupo ay isang “journey.”

“I would say, journey. It’s been a heck of a journey – ups and downs, full growth and may natutunan,” sambit niya.

Dagdag ng isa pa nilang miyembro na si Alfea, “Katulad lang din kay Jaz, pero ang naisip kong word ‘rollercoaster ride’ kasi ang dami naman talagang nangyari.”

Bilang nabanggit nila na marami silang natutunan sa kanilang journey, inusisa na rin namin ito sa kanila.

Ayon kay AJ, isa na riyan ay ‘yung pakinggan ang bawat isa sa kanila na siyang naging lakas nila upang lalo pang pagtibayin ang kanilang grupo.

“Siguro po ay makinig. Very important po talaga sa amin ‘yung grounded po kami and iniisip namin kung bakit ba kami nagsimula sa mga oras na gusto naming sumuko. Why are we here? Why are we still fighting? And of course, sa mga girls, we have the same dream, we have the same goals,” saad ni AJ.

Patuloy naman ni Jaz, “I mean it’s cheesy, pero anything is possible, like, if you feel can’t dance or you can’t sing, if you put in the effort and you put in the time and you believe in yourself, it will happen.”

“Just trust yourself and put in that effort and anything is possible,” aniya pa.

Nagpaabot na rin sila ng mensahe para sa kanilang fans o ‘yung fandom nila na “Bullets” na hindi sila sinusukuan sa lahat ng hamon na hinaharap nila.

“Maraming, maraming salamat po for staying, for loving us, for being there for us no matter what happens. Maraming salamat po,” mensahe ng grupo.

Giit nila, “Kung wala kayo talaga, wala kami dito.”

“Mahal na mahal ko kayo walang dulo Bullets, palaging [kayong] number one,” anila.

Chinika na rin ng G22 sa BANDERA na maraming aabangan sa kanila ngayong taon.

Kabilang na raw riyan ‘yung upcoming music project nila na pinamagatang “One-sided Love.”

“We’re preparing a lot of things this year,” excited na sinabi ni Jaz.

Wika ni AJ, “Actually, plinay po namin ‘yung isa sa mga bago naming kanta na hindi pa siya released, which is ‘One-sided Love.’ Abangan po ang pag-release ‘nun because maybe hindi lang siya isang single, maybe an EP or an album or whatsoever.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa ni Alfea, “And meron pa pong events…that’s why we’re very thankful sa lahat po ng mga tumutulong pa rin sa amin hanggang ngayon.”

Ang G22 ay under ng Cornerstone Entertainment na binubuo nina AJ, Alfea at Jaz.

Noong February 25, 2022 nangyari ang official debut ng girl group kasabay ng kauna-unahan nilang single na “BANG!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending