Members ng P-Pop group na G22 at VXON sa isang condo building nakatira, posible nga bang ma-in love sa isa't isa? | Bandera

Members ng P-Pop group na G22 at VXON sa isang condo building nakatira, posible nga bang ma-in love sa isa’t isa?

Reggee Bonoan - April 14, 2022 - 06:20 PM

G22 at VXON

NAALIW kami sa kuwento ng Cornerstone President at CEO na si Erickson Raymundo tungkol sa mga bago niyang talents na P-Pop group, ang VXON at G22.

Malabo raw kasing makagawa ng kalokohan ang mga bagets dahil maraming CCTV at mga matang makakakita sa kanila sa condo unit na kanilang tinitirhan.

Sa nakaraang launching kasi ng P-Pop groups sa B Hotel along Scout Rallos sa Quezon City noong Abril 7 ay isa kami sa nangulit kung may posibilidad ba na magkagustuhan sila o magkaroon ng crush sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Malabong mangyari raw yun dahil may self regulation ang VXON at G22 na prayoridad nila ang career nila lalo’t pinagkatiwalaan sila ng Cornerstone at malaking bagay iyon sa kanila para matupad nila ang kanilang mga pangarap.

Pero sabi namin, mas masarap mag-work kapag inspirado pero talagang ipinagdiinang hindi talaga sila talo-talo dahil magkakapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Sa isang condominium building lang nakatira ang VXON at G22 pero magkaibang unit naman. Hirit  namin uli, puwede pa rin silang magkita-kita kung gugustuhin nila.

At nang magkita naman kami ni Erickson sa Cornerstone office niya para sa launching ni Shanti Dope bilang rapper mentor ng reality show nilang “Top Class” na mapapanood sa TV5 very soon ay natatawa raw siya sa pangungulit namin sa dalawang P-Pop group.

Tanong namin kung bawal silang magkaroon ng lovelife? “Hindi, wala akong ganu’n sa kanila. Bahala sila kung gusto nilang magkaroon, pero ako nilatag ko lahat at seryoso sila sa craft nila.  Kaya natatawa nga ako sa mga tanong mo,” nakangiting sabi ni Erickson.

Hirit namin, posible naman talaga dahil nasa isang condo building lang sila. Sabi sa amin ni Erickson, “Malabo kasi same kami ng building, nandito ako sa floor na ito, pagdungaw mo kita, tapos si Cynthia (Roque, executive ng Cornerstone) doon din nakatira, tapos ang CCTV, plus ‘yung mga guard siyempre magkukuwento sila, so wala silang lusot, pero kaya naman nilang gawin bahala sila.

“Basta ako nag-invest kami sa kanila, investment ‘yun, ibibigay namin ang makakaya namin para matupad ang pangarap nila at siyempre makilala sila dito at sa ibang bansa,” paliwanag ng manager ng VXON at  G22.

Mukhang mapapadali ang pagtupad ng mga bagets sa mga pangarap nila dahil grabe ang hiyawan sa kanila nang mag-concert sa Dubai Expo at sa P-POP Convention na ginanap sa New Frontier Theater at Araneta Coliseum nitong Abril 9 at 10.

Nakipagsabayan sila sa SB19 ang number one P-POP male group ngayon sa bansa. As of now ay kaliwa’t kanan ang inquiries sa grupo para sa out of the country shows.

* * *

Natuldukan na ang pangarap ni Kai Espenido na maging Big Winner matapos maging pangalawang teen evictee sa “PBB Kumunity Season 10.”

Nakakuha “Ang Brave Island Girl ng Siargao” ng 17.22 percent na boto, na mababa kumpara sa natanggap nina Stephanie Jordan na may 18.91 percent at Rob Blackburn na may 34.75 percent.

Isa kina Rob, Stephanie, at Stef naman ang uuwi sa susunod na Linggo (Abril 17) matapos silang mapabilang ulit sa listahan ng mga nominado.

Nagkasundo ang tatlo na piliing iligtas ang mga kasamahang sina Dustine Mayores at Paolo Alcantara matapos bigyan ni Kuya ang Team Dustine ng kapangyarihang magpasya kung sino ang dalawang maliligtas at tatlong magiging nominado.

Naging ligtas naman sa naging nominasyon ang Team Luke na kinabibilangan nina Ashton Salvador, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Maxine Trinidad, Tiff Ronato, at Luke Alford matapos makakuha ng pinakamabilis na oras sa paggawa ng weekly task.

Tuloy-tuloy din ang pagpapakita ng husay ng housemates dahil nagwagi ang Team Dustine at Team Luke sa paggawa ng tig-isang bangka na gawa sa water plastic bottles na matagumpay na lumutang at nakatawid sa pool habang lulan sila nito.

Samantala, usap-usapan ng netizens ang naging pagtutunggali ng housemates sa iba’t ibang subjects tulad ng Math, Language, History, at iba pa, kung saan hindi masyadong maalam ang ibang kabataang Pinoy sa ilang bagay kaugnay sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sabi ng Philippine Social Conservative Movement sa kanilang Facebook page, “We thank ABS-CBN especially their show, Pinoy Big Brother, the host Robi Domingo, for exposing to us this bitter truth on the challenges which the Filipino youth are facing today and through their question on this game, we see the importance of history.”

Dahil dito, sigaw ng ibang netizens na maging mas masigasig ang pagtuturo at pag-aaral ng kasaysayan.

“I think that there should be a collaborative effort for our educational system to reintroduce basic knowledge on our available social media platforms such as Tiktok, Facebook, and the like. Teachers should also require students to utilize these platforms for educational purposes,” komento ng Facebook user na si Sulaim Mohammad-Faiz.

Sino kaya ang uuwi sa Linggo? Ano na naman kaya ang hamon ni Kuya sa housemates? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

https://bandera.inquirer.net/310444/g22-at-vxon-nagpakitang-gilas-sa-p-pop-convention-2022-kering-keri-rin-maging-artista-pero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308011/sino-sa-mga-sikat-na-korean-stars-ang-makakasama-nina-marian-piolo-bea-at-sylvia-sa-empire-ni-rhea-tan
https://bandera.inquirer.net/310329/p-pop-group-g22-vxon-ayaw-munang-mag-love-life-gustong-mag-focus-sa-career

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending