'Eat Bulaga' hosts huling-huli sa panonood ng 'Showtime', netizens napa-react: Background 'yung nagdala! | Bandera

‘Eat Bulaga’ hosts huling-huli sa panonood ng ‘Showtime’, netizens napa-react: Background ‘yung nagdala!

Therese Arceo |July 16,2022
facebook
share this

‘Eat Bulaga’ hosts huling-huli sa panonood ng ‘Showtime’, netizens napa-react: Background ‘yung nagdala!

Therese Arceo - July 16, 2022 - 02:46 PM

Eat Bulaga hosts huling-huli sa panonood ng 'Showtime', netizens napa-react: Background 'yung nagdala!

TRENDING ngayon ang larawan ng “Eat Bulaga” hosts kasama si Mariz Umali kung saan kapansin-pansin ang kanilang background.

Ibinahagi ng GMA News anchor ang larawan kasama ang ilan sa mga hosts ng longest running noon time show na “Eat Bulaga” na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, at Maja Salvador nang mag-guest siya sa segment na “Dancing Kween”.

“An exceptionally wonderful afternoon with the @eatbulaga1979 dabarkads @pochoy_29 @mainedcm @allan_klownz @maja @josemanaloupdates @ryzzamaedizon_ @ryan_agoncillo @milesocampo.

“Thank you EB for guesting me in your #DancingKween segment. Abangan po natin mga kapuso at dabarkads and Grand Finals nito sa Sabado, July 16 na,” saad ni Mariz sa kanyang caption.

All smiles ang “Eat Bulaga” hosts sa naturang larawan ngunit mas napansin ng mga netizens kung ano ang pinapanood ng mga ito sa TV na kitang-kita sa background.

Spotted kasi ang mga ito na nanonood ng “It’s Showtime” na umeere sa A2Z channel.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang IG post ni Mariz Umali.

“Nice background Ma’am Mariz. Don’t delete this picture. What sup madlang pipol,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “This is your show, this is your time, It’s Bulaga!”

“Wassup Madlang Dabarkadz!” sey naman ng isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marizumali (@marizumali)

May mga pabirong nagsabi pa nga na ang akala daw nila ang magsasanib pwersa ay “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud”.

Marami naman ang nagsabing normal lang naman para sa mga TV shows gaya ng “Eat Bulaga” na panoorin ang kanilang mga kakompetensya.

“It’s normal for live tv shows and news programs to have tv monitors backstage showing their rival shows on other channels so they are aware of what’s going on with the other shows,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Normal yan sa mga tv shows para alam nila mga segments ng katapat nila. Pero walang tatalo sa Eat Bulaga. Proven and tested na yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganyan talaga sa negosyo dapat alam mo ang galaw ng kalaban. Ganyan rin sila,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
True ba, Maja lilipat na rin sa GMA; mapapanood na raw Eat Bulaga?

Anjo, Kitkat bibida sa bagong noontime show, itatapat sa Eat Bulaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending