True ba, Maja lilipat na rin sa GMA; mapapanood na raw Eat Bulaga? | Bandera

True ba, Maja lilipat na rin sa GMA; mapapanood na raw Eat Bulaga?

Reggee Bonoan - September 27, 2021 - 06:44 PM

Maja Salvador

“BREAKING NEWS: This time it’s official. Maja Salvador will soon make the big leap from TV5 to GMA7 as soon as her primetime teleserye is over. 

“She will joining Eat Bulaga first and will eventually sign with Artist Center where Mr. M. is the head honcho.”

Ito ang nakita naming post sa Twitter account na Entertainment Uptake @Showbiz_Polls ilang oras bago namin sulatin ang balitang ito.

Ibig bang sabihin, tatapusin na lang ni Maja ang serye nilang “Nina Nino” kasama s Noel Comia, na umeere sa TV5 at nasa ikalawang season na ngayon.

Kung totoong lilipat si Maja ay hindi naman imposible dahil consultant na ng GMA Artist Center ang tatay-tatayan niyang si Johnny Manahan o Mr. M sa GMA at puwedeng nagkaroon nga ng negosasyon sa pagitan niya at ng TAPE, Inc. na producer ng “Eat Bulaga.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagtanong kami sa taga-Cornerstone Studios kung may ikatlong season ang “Nina Nino” dahil maganda ang feedback mula sa viewers at mataas din ang ratings nito.

“Tuloy-tuloy pa naman po ang taping namin,” sagot sa amin.

At binanggit nga namin ang balitang lilipat na si Maja sa “Eat Bulaga” na ibig sabihin ay tatapusin na ang “Nina Nino.”

“Ay talaga po? Wala kaming naririnig na ganu’n, pero sige po itatanong ko,” sabi sa amin.

Ang “Nina Nino” ay nasa ikalawang slot na may mataas na ratings sa TV5 na pinangungunahan naman ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Hinihintay pa namin ang magiging paliwanag ni Maja hinggil dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending