Mariz, Ronnie Ricketts 'nagkahiwalay' bilang mag-asawa makalipas ang 28 taon: Ito po yung challenge sa amin... | Bandera

Mariz, Ronnie Ricketts ‘nagkahiwalay’ bilang mag-asawa makalipas ang 28 taon: Ito po yung challenge sa amin…

Ervin Santiago |May 03,2022
facebook
share this

Mariz, Ronnie Ricketts ‘nagkahiwalay’ bilang mag-asawa makalipas ang 28 taon: Ito po yung challenge sa amin…

Ervin Santiago - May 03, 2022 - 08:31 AM

Ronnie Ricketts at Mariz

MAKALIPAS ang 28 taon ng pagsasama bilang mag-asawa, naranasan na rin ng celebrity couple na sina Mariz at Ronnie Rickettes ang magkahiwalay.

Nope! Hindi naman sila nag-break bilang married couple, kailangan lang nilang maghiwalay pansamantala dahil sa unang pagkakataon ay sumabak nga sa lock-in taping si Mariz.

Yes, muling aarte sa harap ng mga camera sa Mariz after 12 years ng pamamahinga sa showbiz. Kabilang ang aktres sa bagong GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit”.

In fairness, ramdam na ramdam ng members ng entertainment media ang kaligayahan at excitement sa aura at boses ni Mariz sa ginanap na virtual mediacon ng “Apoy sa Langit” last  April 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariz Ricketts (@marizricketts)


Ayon kay Mariz, hindi ito ang unang project na natanggap niya for the past years, marami-rami na rin siyang natanggap na offer for the past years pero palagi itong hindo natutuloy.

Aniya, dumating sa kanya ang “Apoy sa Langit” sa tamang oras at tamang panahon. Dito, gagampanan niya ang role ni  Blessie, ang loyal na kaibigan ni Gemma (Maricel Laxa) at ninang ni Ning (Mikee Quintos).

“There were offers before pero hindi talaga siya nagma-materialize. Hindi nagpo-progress. Ito lang ‘yung project na parang talagang may pinagdaanan and this came to me at the most perfect time. I was ready, my family was ready, Ronnie is ready,” simulang paliwanag ng veteran actress.

Sey pa ni Maricel, matagal-tagal na rin nilang napaghandaan ni Ronnie ang pagbabalik niya sa showbiz, sa katunayan medyo nalungkot siya nang maghiwalay na sila dahil sa lock-in taping ng “Apoy Sa Langit.”

“Alam ko naman ang set-up ng bagong mundo ng taping, lock-in, pandemic pa rin tayo, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na ‘yun.

“This is the first time na nagkahiwalay kami nang matagal. For twenty-eight years, hindi kami naghihiwalay and then ito ‘yung challenge sa amin,” aniya pa.

Nagpapasalama naman ang aktres dahil kahit malayo siya sa pamilya,  nakakita naman siya ng second family sa cast ng “Apoy sa Langit”. Kasama rin niya rito sina Zoren Legaspi, Lianne Valentin, at marami pang iba pa.

“Nag-enjoy ako. Nakakita ako ng second family sa grupo na ‘to. I just feel na itong comeback na ‘to is really a blessing. Everyone has been so warm and really supportive. Sobrang saya ko and grateful ko talaga,” pahayag pa ng aktres.

Special mention din sa naging pahayag ni Mariz ang direktor nila sa “Apoy sa Langit” na si Laurice Guillen.

“Sabi ko nga, ito ang ibinigay ng Diyos sa akin. Tapos si Direk Laurice pa ang makakatrabaho ko. Sino nga ba ang hindi pinangarap na makatrabaho at matuto sa kaniya talaga? Sobrang masaya ako talaga and really really grateful,” pahayag pa ng misis ni Ronnie Ricketts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula na ngayong araw ang “Apoy sa Langit” sa GMA Afternoon Prime.

Ronnie Ricketts binalikan ang bonggang pasorpresa at wedding gift para kay Mariz

Kyline mas tumindi pa ang ‘hugot’ sa pamilya; Buboy bibida sa life story ni Betong

Sid Lucero nakaranas na ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso: The abuse goes on and on…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending