3 henerasyon ng Sang'gre sanib-pwersa sa birthday ni Direk Mark

3 henerasyon ng mga Sang’gre sanib-pwersa sa birthday ni Direk Mark

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

3 henerasyon ng mga Sang’gre sanib-pwersa sa birthday ni Direk Mark

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 08:46 AM

3 henerasyon ng mga Sang'gre sanib-pwersa sa birthday ni Direk Mark

Mark Reyes at ang 3 henerasyon ng mga Sang’gre

TUWANG-TUWA ang award-winning director na si Mark Reyes sa pagsasama-sama ng tatlong henerasyon ng mga Sang’gre ng “Encantadia.”

Nangyari ito kamakailan sa birthday celebration ni Direk Mark na siyang bumuo ng super successful na “Encantadia” series sa GMA 7.

Kabilang sa mga um-attend sa birthday celebration ni direk Mark ang bagong batch ng mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva at Angel Guardian.

Present din ang award-winning actress na si Iza Calzado na siyang representative ng mga original Sang’gre noong 2005. Siya ang unang gumanap na Amihan sa “Encantadia.”

Baka Bet Mo: Ate Vi kay Jane bilang bagong Darna: Nasa ‘yo na ang bato, pangalagaan mo at maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon

Naroon din sina Glaiza De Castro (Pirena), Sanya Lopez (Danaya), at Kylie Padilla (Amihan), na mga Sang’gre sa 2016 remake ng “Encantadia.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)


“I am very happy again na magkakasama kami ng mga Sang’gre kasi bibihira talaga na makumpleto kami nang hindi work related kung baga yung gagawin namin,” ang pahayag ni Faith sa panayam ng “24 Oras Weekend.”

Si Faith ang gaganap bilang si Flamarra, ang anak ni Pirena “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Baka Bet Mo: Rhian Ramos kontrabida sa ‘Encantadia’, gaganap bilang makapangyarihang diwata na si ‘Mitena’

Of course, personal ding bumati si Ruru Madrid kay Direk Mark. Siya ang gumanap bilang si Ybarro sa 2016 remake, kasama ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

“I’m very happy na naging parte ako nung 2016 and now si Bianca ang gaganap na Sang’gre Terra nakakatuwa kasi ganoon kalaki yung proyekto and pinaghahandaan,” pahayag ng lead star ng “Black Rider.”

Hindi rin nakalimot sa kaarawan ni Direk Mark sina Carla Abellana at Gabby Eigenmann na bumida sa “Voltes V: Legacy.” Si Direk Mark din ang nasa likod ng naturang live action series.

“I think its better to have a get together and check on everyone else and have a milestone,” ani direk Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga hindi pa masyadong aware, bibida sa bagong “Encantadia” si Bianca bilang si Terra, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa; si Faith as Flamarra, ang hahawak sa Brilyante ng Apoy; Kelvin bilang si Adamus, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig; at Angel bilang si Deia, ang tagapamahala ng Brilyante ng Hangin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending