Ate Vi kay Jane bilang bagong Darna: Nasa ‘yo na ang bato, pangalagaan mo at maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon Bandera

Ate Vi kay Jane bilang bagong Darna: Nasa ‘yo na ang bato, pangalagaan mo at maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Ate Vi kay Jane bilang bagong Darna: Nasa ‘yo na ang bato, pangalagaan mo at maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:28 AM

Jane de Leon at Vilma Santos bilang Darna

SHOOKT si Jane de Leon nang magbigay ng mensahe ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa grand mediacon ng “Mars Ravelo’s Darna” kagabi, August 8.

Si Ate Vi ang maituturing na pinakasikat na Filipina actress na gumanap na Darna sa ilang movie version nito na nilikha nga ng batikang nobelista sa komiks na si Mars Ravelo.

Lumipad bilang Darna si Ate Vi sa apat na pelikula mula 1973 hanggang 1980 — yan ay ang  “Lipad, Darna, Lipad,” “Darna and the Giants,” “Darna vs the Planet Women,” at “Darna at Ding.”

In fairness ha, talagang naglaan ang award-winning veteran actress ng panahon para batiin ang paglipad ng bagong Darna sa ABS-CBN — at yan ay walang iba kundi si Jane de Leon.

Yes, ibinigay na ni Ate Vi ang kanyang blessing kay Jane bilang bagong Darna kasabay ng pagpapasa sa dalaga ng mahiwagang bato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Sa naganap na presscon ng “Darna” nagbigay nga ng mensahe si Vilma sa pamamagitan ng recorded video. Aniya, “Si Darna ay isang local heroine na nilikha ni Mars Ravelo — babaeng matapang at handang ipagtanggol ang sinumang nangangailangan. I’m lucky enough na makagawa ng apat na ‘Darna.’”

Pagpapatuloy pa niya sa legacy ng Pinay superhero, “‘Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, e, lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay.

“Yung character niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, and faith that everybody can be Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero,” aniya pa.

Paalala pa niya kay Jane, “Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking, malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap bilang isang Darna.

“Ngayon, Jane, na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala, at meron pa ring pag-asa. Ang daming humawak ng batong ‘yan.

“Ngayon, Jane, na sa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo iyang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” sey pa ni Ate Vi.

At sa huli, nanawagan ang veteran actress na subaybayan ang pagiging Darna ni Jane, “Ako po si Ate Vi, ang Darna ng mga nakaraang henerasyon. At ngayon po, inaanyayahan ko kayong suportahan ang Darna ng bago nating henerasyon, si Jane de Leon.”

Ito naman ang reaksyon ni Jane na gulat na gulat sa pa-surprise sa kanya ng production, “Ang aga ha! Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nagtitiwala.

“Actually, hindi ko ini-expect na meron akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko ang best ko para sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat po. Ang aga! Hindi ko in-expect,” aniya pa.

Sa direksyon ng premyadong filmmaker na si Chito Roño kasama sina Avel Sunpongco at Benedict Mique, ang “Mars Ravelo’s Darna” ay lilipad na sa August 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Pamilya ni Mars Ravelo puring-puri si Jane de Leon, aprub sa bagong costume ni Darna: Yes, the best!

Darna mural alay sa mga tunay na Pinoy ‘superhero’; Jane, Joshua, Janella saludo sa mga bagong bayani

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending