Kathryn binati ni Daniel ng 'happy birthday, mag-reply kaya?

Daniel nagparamdam sa birthday ni Kathryn, mag-reply kaya ang ex-dyowa?

Ervin Santiago |March 26,2024
facebook
share this

Daniel nagparamdam sa birthday ni Kathryn, mag-reply kaya ang ex-dyowa?

Ervin Santiago - March 26, 2024 - 11:11 AM

Daniel nagparamdam sa birthday ni Kathryn, mag-reply kaya ang ex-dyowa?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGPARAMDAM si Daniel Padilla ngayong araw sa social media na pinaniniwalaang para sa ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Feeling ng mga loyal KathNiel fans, ang latest post ni Daniel sa kanyang Instagram Story ay ang pagbati niya sa 28th birthday ni Kathryn today, March 26.

Makikita sa IG post ni DJ ang isang blurred photo na tila selfie ni Kathryn na may nakasulat na “Happy Birthday” sa Japanese.

Ang sunflower emoji na nasa lower left ng kanyang IG story ang nagbigay ng sign na para kay Kathryn ang nasabing post.

Baka Bet Mo: Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

In fairness, kahit matagal-tagal nang hiwalay ay hindi pa rin nakalimot ang Kapamilya actor na batiin ang dating dyowa sa kaarawan nito.

Abangers naman ang mga diehard KathNiel supporters sa magiging reply ni Kathryn sa birthday greeting ng aktor. Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa sumasagot ang aktres kay Daniel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Kung matatandaan, ipinagdiinan ng aktor na kahit naghiwalay na sila ni Kathryn ay forever na itong nasa puso niya, “Hinding-hindi ko makakalimutan si Kathryn. Maraming salamat sa maraming taon na pinagsamahan.

Baka Bet Mo: Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

“Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang memories at ating adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” sabi ni DJ.

Samantala, ibinandera naman ni Kathryn ang pagiging first-ever Filipino ambassador ng isang French luxury perfumes and cosmetics house.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng dalaga ang kanyang video ad with her bonggang-bonggang pink dress.

“Don’t let anyone tell you that you’re not allowed to redefine who you are,” she wrote. Everyone’s a work in progress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you @lancomeofficial for welcoming me as the first-ever Lancôme Philippines Ambassador!” ang caption sa kanyang IG post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending