Jayda bet na bet ang pagiging ‘Pambansang Sad Girl’

Jayda bet na bet ang pagiging ‘Pambansang Sad Girl’: I will take that 100%!

Pauline del Rosario |March 22,2024
facebook
share this

Jayda bet na bet ang pagiging ‘Pambansang Sad Girl’: I will take that 100%!

Pauline del Rosario - March 22, 2024 - 08:38 AM

Jayda bet na bet ang pagiging ‘Pambansang Sad Girl’: I will take that 100%!

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

KAHIT ang singer na si Jayda Avanzado, tanggap ang pagiging certified “Pambansang Sad Girl.”

Ito ang inamin niya sa isang exclusive press conference kasabay ng pag-release ng kanyang latest single na “Right Lover, Wrong Time.”

“I will take that, 100%!” sey niya matapos tanungin ang tungkol sa kanyang reaksyon na binabansagan siya bilang “Pambansang Sad Girl” ng madlang pipol.

Paliwanag niya, “I feel like, totoo ‘yun sa branding ko na –I mean, I take it all in good fun.”

Aminado rin siya na mahilig siyang sumulat ng mga kanta na may hugot at tagos sa puso.

Baka Bet Mo: Mystery guy humingi ng ‘sorry’ kay Jayda, idinaan pa sa billboard

Ayon sa kanya, naniniwala kasi siya na sa pamamagitan nito ay nagagawa niyang damayan ang mga taong may pinagdadaanan din sa pag-ibig na tulad ng mga naranasan niya sa buhay.

“I guess I have a gravitation or drawn ako sa pagsusulat ng sad songs…I guess that there’s unity in pain and I think there’s a beauty in the sadness of that and that’s why I want to be able to bring people together and make them feel less alone in that,” sey ni Jayda.

Ani pa niya, “I always say, I write from experience but I like to think that once I put up a song, it’s a people song as well, whatever they wanted to be. It’s however that impacts their lives.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

Isang halimbawa na riyan ay ang bago niyang single na kung saan ay ibinunyag niya ang pagkakaroon ng TOTGA o the one that got away.

Sa pamamagitan ng kanyang kanta, ikinuwento niya ang mga naramdaman niya noong naghiwalay sila, pati na rin ang mga natutunan niya sa kanilang relasyon.

“I think it is probably one of the mature ones in the sense na if you listen to the lyrics, you see there’s a level of may accountability rin that it’s not always just one person’s fault why a relationship ends,” chika niya.

Dagdag niya, “This is one aspect of heartbreak that you kinda feel because you feel that this person could have been for you but because of some factors, ‘yun nga, pinagtagpo kayo pero hindi kayo tinadhana.”

At bilang Pambansang Sad Girl, ang ilan sa mga OPM artists na sa tingin niya ay swak na maka-collaborate niya in the future –ang bandang The Juans at si Zack Tabudlo.

“Right now, with the current style of music that I’m doing…’The Juans’ are actually some people that I would like to collaborate with. I feel like, thematically parang bagay doon sa vision ko. They have a lot of sad songs,” saad ni Jayda.

Patuloy niya, “Eventually, I’d love to collaborate with my friend si Zack Tabudlo. I’m a big fan of his.”

Maliban sa kanyang “Right Lover, Wrong Time,” sinabi ni Jayda na marami pang hugot songs ang aabangan sa kanya na talagang makaka-relate ang fans.

Expect more music, expect me trying me to get out of my comfort zone with my songs and start talking about more of life. I think that’s one of the things that I really like in the position that I’m in now because it feels like a clean state, parang bagong chapter ito ni Jayda,” sambit ng singer.

Ani pa niya, “And what I really like about is that people get to see the more human side of myself, so I think they can expect a lot more of that.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending