Mystery guy humingi ng 'sorry' kay Jayda, idinaan pa sa billboard

Mystery guy humingi ng ‘sorry’ kay Jayda, idinaan pa sa billboard

Pauline del Rosario - March 21, 2024 - 06:24 PM

Mystery guy humingi ng 'sorry' kay Jayda, idinaan pa sa billboard

SINO kaya ang mystery guy na humihingi ng “sorry” sa singer-actress na si Jayda Avanzado?

Agaw-pansin kasi ang giant billboards na nakabandera sa ilang lugar, kabilang na ang nasa EDSA Guadalupe, Galleria Corporate Center sa Ortigas at sa may Marcos Highway sa Cainta, Rizal.

Ang mensahe sa billboard, “Sorry Jayda, naduwag ako.”

Baka Bet Mo: Jessa, Dingdong hindi nakikialam sa mga desisyon ni Jayda sa kanyang career: ‘Never po silang naging stage parents’

Mystery guy humingi ng 'sorry' kay Jayda, idinaan pa sa billboard

Wala pang clue kung sino ang nagpakabit ng nasabing mga billboard, pero siya kaya ‘yung sinasabi ng OPM singer na taong itinagpo sa kanya, ngunit hindi sila itinadhana?

Kamakailan lang, naglabas si Jayda ng bagong hugot song na may titulong “Right Lover, Wrong Time.”

At nang makachikahan namin siya sa isang one-on-one interview, nag-open up ang singer tungkol sa naranasan niyang heartbreak at umamin pa tungkol sa kanyang TOTGA o the one that got away.

Ayon sa kanya, diyan mismo inspired ang kanyang latest single.

“The reason why I was able to call this person the right lover, wrong time because it was the first time na naramdaman ko ‘yun sa isang tao na I felt secure and felt things were going our way or going my way na ito pala ‘yung feeling na ma-value ng isang tao ng ganun of that level. And ‘yan ‘yung akala ko na what I thought I had and then obviously, circumstances happen,” kwento ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika pa niya, “I won’t go into so much detail with it, pero sometimes, life has a funny way of parang making things happen. The way I see it, looking back on it, baka naman siguro nangyari din naman talaga ‘yun para masulat ko ‘yung kanta na ito.”

“With my music, I just want to show that at the end of the day, I’m a human being. Nakakaranas din ako ng heartbreak, iniiwan ako, nakakaranas din ako ng sakit and that’s fine. There’s no shame in that,” dagdag niya.

Ang “Right Lover, Wrong Time” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending