Neri mas gustong konti ang gamit sa bahay: Para nakakahinga ang brain!
NAPATUNAYAN uli ng aktres-negosyante na si Neri Miranda sa buong universe ang kanyang pagiging wais na misis dahil sa kanilang cabinet.
Sa halip kasi na idispatsa na ang luma nilang China cabinet sa bahay nila ng asawang si Chito Miranda, ay nagdesisyon si Neri na manatili pa ito sa kanilang house.
Ibinandera ng wifey ni Chito sa madlang pipol ang ginawa niyang make-over sa naturang cabinet sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kalakip ang paliwanag kung bakit hindi na niya ito pinalitan.
“Medyo tinopak ako kaya naisipan kong ibahin ang kulay ng China cabinet na nabili ko sa Japan surplus noon.
Baka Bet Mo: Showbiz couple napilitan nang magbenta ng mga gamit dahil sa pandemya
“Dapat ilelet-go ko na tong cabinet pero naisipan ko na ibahin na lang yung kulay. Iba ang nagagawa kapag nagde declutter sa bahay,” lahad ng aktres.
Pero naniniwala pa rin naman si Neri na mas okay pa rin ang maging minimalist pagdating sa pag-aayos at pagde-design ng bahay.
Sa katunayan, marami na raw siyang mga kagamitan sa bahay na naipamigay niya at yung iba naman ay ipinagbebenta niya sa ukay-ukay
“Puro let go let go mga gamit para mas maganda sa mata at mas nakakahinga ang brain kapag konti lang gamit sa bahay.
View this post on Instagram
“Marami na rin akong na-share sa staff namin… at nag-donate na rin ako ng mga old gamit and toys ng mga bata. Pero mukhang marami pa akong ipapa ukay ukay ah!
Baka Bet Mo: Neri natuwa sa ‘He’s Into Her’; may pasabog tungkol kina Chito at Donny
“Saan kaya ako pupwesto? Before or after Holy Week? Anong gusto nyong unahin kong ipa ukay?” ang bahagi pa ng caption ni Neri sa kanyang Instagram post.
Isa sa mga nagkomento sa IG post ni Neri ay ang kaibigan at ka-batch niya sa dating reality talent show ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” na si Joross Gamboa.
“Naging modern look dahil sa kulay,” ang komento ng aktor.
Narito ang iba pang reaksyon ng mga IG followers ni Neri.
“This is true. Mas makakatulong tayo kay mother earth sa pag re reuse ng mga old things natin. Like sa damit, hindi rin kami palaging bumibili ng brand new.”
“Galing bagay more elegant.”
“Ganyan din ginawa ko sa pinamana ng bff ko na magmigrate abroad, lemon yellow nman ang pinalit ko to match the wall paint ng sala.”
“Dito sa California my phone app dito na dun mo makikita lahat na free na pinamimigay kaya imbes na itapon mapapakinabangan pa ng iba. kukunin mo lang sa house nung namimigay minsan iwan na lang sa labas ng bahay at dun mo pick up. Minsan kahon kahon na mga damit at mag laruan. ang pwede sa pinas pinapadala ko pero ang mga di naman magagamit dun donate ko lang dito .. @mrsnerimiranda ang ganda ng color ng cabinet.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.