Neri nag-share ng tips sa mga mister para mas ma-in love pa si misis
SAKTUNG-SAKTO sa selebrasyon ng International Women’s Month ang ilang payo at tips ni Neri Miranda para mas maging solid pa ang pagsasama ng mag-asawa.
Ilang simple at praktikal na advice ang ibinahagi ng actress-entrepreneur sa mga mister upang maipakita at maiparamdam sa kanilang mga misis ang pagmamahal at pagpapahalaga.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Neri ng litrato nila ng asawang si Chito Miranda kalakip ang kanyang mga bonggang-bongga “marriage tips.”
“Para sa aming mga asawa…
“Take a moment to consistently show us how much we mean to you,” simulang hirit ni Neri.
Baka Bet Mo: Michelle Dee binigyan ng tips ni Catriona Gray para mas lumakas ang laban sa Miss Universe 2023
Aniya sa exciting at masayang pagsasama ng mag-asawa, “It’s the little things that count, ika nga.
“Kahit handwritten note filled with love, or a sweet message over the phone, or a simple ‘I love you’ kahit naglalakad lang kayo.
“Pwede rin yung gawan mo sya ng favorite coffee nya, or surprising her with flowers, kahit nga isang mahigpit na yakap lalo na yung hindi nya inaasahan.
“O, kahit i-charge mo lang yung phone nya habang natutulog sya, or full tank mo yung kotse nya.
“Or even something as practical as loading her RFID cards… Whatever way you choose to express your love, make it count,” ang ilan sa mga simpleng bagay na maaaring gawin ni mister para mapaligaya si misis.
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Neri, “Napapagod din ang mga nanay.. madalas nao-overwhelm kami sa mga responsibilities sa pamilya lalong lalo na sa bahay.
“Para bang never ending trabaho? Hindi nyo man madalas marinig sa amin, but the physical, emotional, and mental toll is real. It truly affects our health, feelings, and thoughts.
Baka Bet Mo: Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!
“Yung recognition and your appreciation, kahit gaano kaliit man yang gesture na yan, can light up our world.
“It’s about letting us know we are valued and seen, making everyday moments special.
“Just take that small action and notice the positive change it brings. Sobrang mas sasaya ang bahay.
“Kase kahit napapagod kami pero dahil alam namin na naa-appreciate nyo kami, nawawala ang mga pagod namin, mabilis kaming ma-recharge,” litanya pa ng tinagurian wais na misis.
Sa huling bahagi ng kanyang post, nagpasalamat nang todo ang aktres sa kanyang pinakamamahal na asawa, “My Dear Husband Chito, thank you for always making me feel loved….I love you!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.