Girls, keri n'yo bang gumamit ng menstrual cup?

BANTAY ASKS: Girls, keri n’yo bang gumamit ng menstrual cup?

Denise Gonzales - March 19, 2024 - 03:38 PM

Menstrual Cup

Design by Hailey Ng/BANDERA trainee

NGAYONG International Women’s Month, mahalagang talakayin ang isang rising alternative sa mga karaniwang pads at napkins. Ito ay ang menstrual cup.

Marami kasing pinagdaraanan ang mga babae sa kanilang buhay, at isa sa paulit-ulit nilang nararanasan ay ang kanilang buwanang bisita o monthly period.

Ang menstrual cup ay isang silicone cup na ipinapasok sa loob ng parte ng babae sa tuwing sila ay dinadalaw. Ito ay pwedeng gamiting alternatibo sa halip na mga napkin at pads na mas karaniwang ginagamit ng mga babae.

Kamakailan lang, chinika natin ang ilang mga ka-BANDERA sa Makati City tungkol sa kanilang thoughts sa paggamit ng menstrual cup. Dito ay naka-usap namin ang walong babae tungkol sa nasabing topic.

Ang unang-una naming itinanong ay kung alam ba nila kung ano ang menstrual cup. Bilang mas kilala nga sa Pilipinas ang mga sanitary pads at napkins, hindi naman nakapagtataka kung sakaling mayroong hindi nakakaalam kung ano ito.

Kaso, mukhang very informed ang mga babae dahil perfect 8 out 8 ang may alam sa menstrual cup. Sa kabila nito, 3 out of 8 lamang ang naka-try gumamit nito, at isa na lang ang gumagamit nito hanggang sa kasalukuyan.

Sey ng nag-iisang gumagamit, “Actually, it is life changing,

“Nakakapagod na [rin] kasi mag-pads, mag-sanitary napkin. Kasi, wala lang, parang lagi kasi akong nagle-leak pag sa sanitary napkin. Parang ang edge talaga niya is I can do physical activities without worrying if my period gonna leak, ganiyan,” dagdag pa nito.

Subalit, ang dalawa namang nagtangkang gumamit ng menstrual cup ay may hindi kaaya-ayang karanasan dito, kaya nila ito itinigil.

“Hindi kasi nu’ng tinry ko siya, I am so uncomfy, tapos masakit sa part ko. I have friends that have been using menstrual cups naman. So sabi nila, mag-switch daw ako, pero ‘yun nga, nasasaktan ako,” saad ng isa.

BAKA BET MO: Baron Geisler umamin, may isa pang anak na babae

Bukod sa kanila, ang iba naman naming nakachikahan ay hindi pa naka-try or gusto pa lang i-try ang menstrual cups.

“‘Cause it’s scary, it seems really intrusive to put in your body and like, I don’t know about having plastic inside of me. I just think it’s really strange ‘cause I’m used to menstrual pads,

“Parang I don’t have any knowledge about it kasi. Kaya isa din yun sa mga reasons na nagpipigil sakin, kasi I don’t have enough knowledge.”

Ayon naman kay Dra. Socorro Martin, isang doktor ng OB-GYN, depende daw talaga ito sa gagamit. Kinakailangan lang na i-consider ang risks at benefits ng paggamit ng isang menstrual cup, pati na rin ang pagiging komportable ng isang babae.

“It varies for some people. For some people, they are more comfortable with the pads because its non-invasive. Secondly, it’s not a form of foreign body for the women. Kasi ‘pag menstrual cup natin, we put it inside the vagina so that’s foreign body that’s not usually there,

“So, sometimes, when we put something inside that’s not usually there, it causes infection, especially in the vaginal area when very little changes, katulad ng changes in pH, it can cause infection na kaagad,” aniya.

“In this day and age, di ba, very open minded naman na ang mga tao so if they are open to using something that is invasive to them, it is okay naman to use it. But there will always be the question na, pwede bang mag cause siya ng infection? Pwedeng, siyempre, its something na pinapasok mo, would it cause pain, ganun? So, depende siguro sa user kung ano yung mas comfortable sa kaniya,” dagdag niya pa.

Mga girls, willing ba kayong i-try ang menstrual cup?

RELATED CHIKA:

Roxanne, Grade 3 pa lang may alam na sa condom; Aiko walang kinatatakutan

WATCH, NOW NA: Mga babae na ibinandera ang tibay, husay sa trabahong panlalaki

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending