Doktor na nambusal ng sanitary napkin sa bibig ng pasyente iimbestigahan | Bandera

Doktor na nambusal ng sanitary napkin sa bibig ng pasyente iimbestigahan

Ruel Perez - May 22, 2015 - 11:37 AM

ISINAILALIM na sa imbestigasyon ni Pasay City General Hospital Director Marilou Ocampo ang umano’y naganap na pagbusal ng sanitary napkin sa bibig ng isang menor de edad na nanganak sa nasabing ospital na kagagawan diumano ng isang doktor.

Ayon kay Ocampo na tumanggi sa isang live interview sa Radyo Inquirer, Huwebes ng hapon lamang niya umano nalaman ang insidente, kung kaya ngayon lamang niya ipatatawag ang mga doktor na nakaduty ng araw na nangyari ang insidente.

Lunes ng gabi nang manganak ang 16-anyos na buntis sa ospital.  Sa tindi nang sakit na naramdaman habang nagle-labor ay panay ang iyak ng pasyente na sinasabing ikinainis ng doktor na nagpapaanak sa kanya.  Dahil dito, pinasakan umano ng doktor ang bibig ng pasyente ng sanitary napkin para tumigil ito sa pag-iingay.

Ayon kay Ocampo, paghaharap-harapin niya ang mga naka-duty ng araw na iyon at maging ang pasyenteng nagrereklamo para matukoy kung sino ang doktor na sinasabing umabuso sa kanya habang nanganganak.

Nanindigan din si Ocampo na hindi siya mangingiming sibakin ang sinomang doktor o staff ng ospital na mapapatunayang nagkasala dahil mahigpit umano niyang ipinatutupad ang mga alituntunin ng ospital bagamat bago pa lamang siya sa kanyang pwesto.

Nangako rin ito na ilalabas ang resulta ng imbestigasyon at ang magiging rekomendasyong aksyon hinggil sa insidente sa loob ng isang linggo.

Una nang nagpahayag ang ina ng biktima na sasampahan nila ng reklamo ang doktor at ang pamunuan ng ospital ng child abuse dahil sa dinanas ng kanyang anak na menor de edad.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending