outbrain

Roxanne, Grade 3 pa lang may alam na sa condom; Aiko walang kinatatakutan

By Reggee Bonoan September 16,2020
share this

Roxanne, Grade 3 pa lang may alam na sa condom; Aiko walang kinatatakutan

By Reggee Bonoan September 16,2020 - 01:02 PM
INAMIN ni Roxanne Barcelo na may pagka-liberated ang lifestyle niya  dahil Grade 3 pa lang ay may sex education na sila sa pinasukang school sa Amerika.
Sa latest vlog ni Aiko Melendez na “Reunion of 4 Witches” kasama sina Maja Salvador at Sunshine Cruz na mga co-actors niya sa “Wildflower” ay may tanong kung sino ang pinaka-liberated sa kanila.
At si Roxanne nga ang itinuro nila na hindi naman itinanggi ng dalaga. Aniya, “Liberated kasi, oo sabi nila, I was made, born, and raised tapos kung ano ‘yung natutunan mo nu’ng 8 years old, ‘yun talaga ‘yung nakaka-form ng psyche mo. So, by 13 (years old) saka kami lumipat dito.
“Grade 3 naglalagay na kami ng balloon (condom) sa banana, may sex ed kami, 3rd grade sa school namin, private school sa US kaya naloka ‘yung nanay ko.
“Sabi niya, ‘anak what are you doing?’ Kasi pag-uwi, practice raw kami (muwestra pa). Sabi ni nanay, ‘alis tayo pagkatapos mo ng Grade 6.’ Kaya layas kami bago ako magregla, fly na (to the Philippines).”
Tumawang tukso ni Aiko sa kanya, “So, Grade 6 ka nagkaregla. Ha-hahaha!” Kaya natawa rin sina Maja at Sunshine.
Natanong naman kung sino ang pinakamatapang sa kanilang apat at lahat sila ay itinuro si Aiko. Mabilis na tanong ng aktres, “Bakit ako?”
Sabi ni Maja, “Kasi hangga’t alam mong tama ka, lumalaban ka at saka wala kang takot mag-post ng kung ano ang nararamdaman mo, ganun ka!  Di ba nga minsan sinisita na kita?”
“Oo, ganu’n nga ako kapag may nakikita akong pagkakamali I’m opinionated kasi. That’s how I say it, opinionated ako,” ani Aiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending