Kim umamin kay Paulo: Nakaka-amaze na makita yung boy version mo!
AYAW nang mag-expect nang bonggang-bongga ni Kim Chiu tungkol sa kanyang buhay at showbiz career sa mga susunod na taon.
Mukhang napagod at nagsawa na rin ang “It’s Showtime” host sa kaka-expect sa mga posibleng mangyari sa kanya kaya chill-chill na lang muna siya.
Natanong kasi ang lead actress ng latest ABS-CBN at Viu Philippines series na “What’s Wrong With Secretary Kim” tungkol sa usaping expectations at tila malalim ang hugot dito ng dalaga.
Baka Bet Mo: Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective
Sa latest YouTube vlog ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo, isa sa mga questions na ibinato kay Kim ay kung ano ba ang vision nito para sa sarili in the coming years.
View this post on Instagram
“Ako kasi Doc ngayon parang ayaw ko na ng too much expectations on what will happen in the next six months or in the next years to come.
“Parang gusto ko na lang mag-enjoy. Kasi parang sa buhay natin, naplano na ‘to ni God lahat, e. Everything doesn’t happen by chance. It was written already before you were born,” ang tugon ng aktres at TV host.
Dugtong pa ng ex-girlfriend ni Xian Lim, “Parang gano’n na siya. Parang gano’n na ‘yong paniniwala ko sa buhay. ‘A, ‘di pa siguro siya time for me. Hindi siguro siya para sa akin.’”
Samantala, sa grand mediacon ng “What’s Wrong With Secretary Kim” kamakailan, natanong si Kim at ang leading man niyang si Paulo Avelino kung anu-anong qualities ang nagustuhan nila sa isa’t isa.
Sagot ni Pau, “I’ve always wanted to work with Kim, I wasn’t given the opportunity until now, until the project we did last year (Linlang).
“I am happy not just because parang, we know Kim is a star, but because she’s so bubbly, she’s matured as an actress. After working with her, I like working with people who work fast and know what they are doing.
Baka Bet Mo: Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl
“Si Kim ganu’n, mabilis siyang kumilos, alam niya ang script, alam niya ang gagawin. Walang nagiging problema. Si Kim what I noticed, especially when I first worked with her, she sets the tone of the energy on the set.
View this post on Instagram
“Nakikita mo na kapag malungkot si Kim, di naman lahat malungkot, pero malumanay ang lahat. Pag high yung energy niya, lahat energized. Ngayon lang ako nakakita ng taong ganu’n na kayang i-set yung energy level ng set,” pahayag ni Paulo.
Puring-puri rin siyempre ni Kim ang kanyang partner sa serye, “Si Paulo, very consistent sa trabaho, parang we share the same passion when it comes to work. Saka parehas kami ng gusto. So nakakagulat na parang may boy counterpart ako na, ‘Ito gawin natin ito, gawin nating maganda.’
“Low-batt version ko, ako yung high-energy version. Nakaka-amaze na makakita ng boy version mo which is siya. Nakakatuwa na makatrabaho ang isang Paulo Avelino.
“Mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong romcom na genre. So, mas napahanga ako to him as an actor kasi kaya niyang gawin ang lahat talaga in his best.
“Saka magugulat talaga kayo dito sa Secretary Kim, kung ano ang mga pinakita niya, mas hahanga kayo sa kanya. I’m happy to work with him,” aniya pa.
Ang “What’s Wrong With Secretary Kim” ay ang Filipino adaptation ng hit K-drama na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Park Min-young.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.