Marian, Dingdong first time mag-guest sa ‘It’s Showtime’, Karylle nag-absent?
SA kauna-unahang pagkakataon, naging guest ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa noontime show na “It’s Showtime.”
Ang celebrity couple ay mainit na tinanggap ng mga host, kabilang na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu at Jhong Hilario.
Matapos i-promote ng dalawa ang kanilang upcoming film na “Rewind,” naitanong din sa kanila kung ano ang best 2023 moments na talaga namang pinasasalamatan nila.
“Para sa akin, grateful ako na sa taong ito ay nabigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ang asawa ko, kasi sobrang busy po niya,” sagot ni Dingdong.
Dagadag pa niya, “Nung binigyan kami ng chance to work together, parang hindi siya trabaho; para kaming nagde-date araw-araw kaya pinagpapasalamat ko talaga ‘yun.”
Sey naman ni Marian, “Palaging nilu-look forward lang namin na magkasama kami together.”
Ang nasabing pelikula ay isa sa official entry ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood simula December 25 hanggang January 7.
Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?
Samantala, kapansin-pansin sa comment section ng show na marami ang nagtatanong kung bakit absent ang isa pang host na si Karylle.
December 13 pa lang, nag-post na si Karylle na nagkasakit siya kaya ilang araw siyang mawawala sa nasabing show.
“Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone [heart hands emoji],” caption niya sa X (dating Twitter).
Woke up sick so I’ll be missing work for a couple of days! Stay healthy everyone 🫶🏽
— karylle (@anakarylle) December 13, 2023
Kung maaalala, tatlong taon naging mag-dyowa sina Dingdong at Karylle hanggang sa tuluyan na silang naghiwalay noong 2008.
Sa kasalukuyan ay kasal na si Karylle kay Yael Yuzon, ang frontman ng rock band na Spongecola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.