Marian, Dingdong may kakaibang gimik sa Pasko: ‘Mag-iikot kami sa mga sinehan’
MAGIGING kakaiba ang gagawing selebrasyon ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes ngayong Pasko.
Imbes kasi na makasama nila ang kanilang mga pamilya ay mukhang balak nilang sorpresahan ang kanilang fans.
Sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” inilantad ng mag-asawa na magpupunta sila sa iba’t-ibang mga sinehan upang makita ang fans na manonood ng kanilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na pinamagatang “Rewind.”
“This Christmas will be quite different,” sey ni Dingdong.
“Bukod sa aming tradisyon na may noche buena tapos usually kasi kapag 25 ng tanghali doon kami sa kanila sa Cavite nagla-lunch, pero ngayon magiging iba siya dahil mag-iikot po kami sa mga sinehan for the very first time on Christmas para magpasalamat sa mga nanood ng aming pelikula,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Enchong may makakatrabahong Hollywood star; walang isyu kay Paul Soriano
Inamin din ng Philippine royal couple na nahirapan sila sa kanilang intimate scenes kahit sila ay mag-asawa sa tunay na buhay.
“Ang hirap kasi example hindi naman kami magkarelasyon before, pero kailangan namin siya gawin kasi ‘yun ‘yung character na hinihingi samin ng director,” kwento ni Marian.
Patuloy pa niya, “Pero ngayon na mag-asawa na kami parang na-o-off kami, malalaman niyo kasi kung paano kami as mag-asawa.”
Makalipas ang 13 years, mamarkahan nina Marian at Dindong ang kanilang reunion sa big screen.
Ang kanilang MMFF entry na “Rewind ay tungkol sa istorya ng isang couple na sina John at Mary na nahaharap sa mga pagsubok ng kanilang marriag na nais balikan ang kanilang mga nakaraang karanasan upang panatilihing buhay ang kanilang pag-iibigan.
Samantala, bukas na aarangkada ang “Parad of Stars” ng MMFF na kung saan ay ipaparada ang sampung official entry ng film festival na dadaan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.
Mapapanood naman ang mga pelikula ng nasabing event sa mga lokal na sinehan simula December 25 hanggang January 7.
Organized by the MMDA, ang layunin ng film festival ay para ma-promote at ma-enhance ang ang preservation ng Philippine Cinema.
Ang mga kikitain ng film festival ay mapupunta sa ilang beneficiaries sa film industry, kabilang na riyan ang Movie Workers Welfare Foundation Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, FDCP, at Optical Media Board.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.