Dingdong, Marian super sad sa mga hiwalayan sa showbiz: ‘Ipag-pray natin’
NALULUNGKOT at nanghihinayang din ang Kapuso celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa sunud-sunod na hiwalayan sa mundo ng showbiz.
Parehong naniniwala ang mag-asawa na may dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong eksena sa entertainment industry at ang tanging magagawa lamang nila ay ang ipagdasal ang mga ito.
“Siyempre, everytime na nakakarinig tayo ng mga ganitong pagkakataon sa mag-couple ay nakakalungkot talaga.
“So ang tanging magagawa lang natin, mga nakapaligid at kung kaibigan man natin sila ay ipagdasal natin sila na maging maayos at makayanan nila itong pagsubok na ito,” ang pahayag ni Marian nang makachikahan ng press sa launching ng bagong endorsement nila ni Dingdong na NWOW Philippines electronic bike.
Sang-ayon si Dingdong sa sinabi ng kanyang asawa kasabay ng pagsasabing wala naman daw perpektong relasyon at lahat ng mga magdyowa ay dumadaan sa mga pagsubok.
View this post on Instagram
“Kahit kami ni Mariam may pinagdaranaan from time to time, pero ang mahalaga naman…kasi sa amin, nilalagay namin ang Panginoon sa sentro ng aming samahan kasi Siya naman talaga ang ultimate na gagabay sa amin,” pahayag ni Dong sa BANDERA.
Samantala, wala ring kapaguran ang DongYan sa pagtatrabaho dahil bukod sa pagpo-promote ng entry nila sa Metro Manila Film Festival 2023 na “Rewind” ay may mga presscon din sila for their new endorsements.
Baka Bet Mo: Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb
Sey nga ni Dingdong “Minsan apat na event sa isang araw. Pero okay lang, ang importante sa amin ngayon ay ang paparating na filmfest na ito.
“Personally I’m hoping na lumabas talaga ang tao para manood kasi imagine, may 10 pelikula na pwede nilang pagpilian that only goes to show na ang mga producer natin ay very eager na to produce this content para sa ating manonood.
“May pag-asa. Umaasa ang mga producer…kaya umaasa rin kami na lalabas ang mga manonood. Iba po talaga pag napanood nila ito sa mga sinehan,” sey ng Kapuso TV host-actor.
Sa tanong kung bakit ang “Rewind” ang dapat unahing panoorin ng mga Pinoy sa MMFF 2023 simula sa December 25, “Naniniwala naman ako na may kini-cater ang bawat isang pelikula ayon sa hilig ng isang manonood.
“‘Yung sa amin masasabi namin na ‘yung pelikula namin ay tungkol sa pagmamahal, tungkol sa pamilya tungkol sa second chances. It’s a feel-good movie. I think this is for everyone,” sabi pa ni Dingdong.
Para naman kay Marian, “Actually dun kami excited na pag napanood nila ‘yung pelikula, ano ‘yung magiging impact nito sa buhay nila, so ‘yun ang gusto namin ibigay sa mga manonood.”
View this post on Instagram
Samantala, feeling blessed talaga ang DongYan dahil patuloy na dumarami ang mga kumpanyang nagtitiwa sa kanila bilang effective brand ambassador.
Baka Bet Mo: Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue
Nitong nagdaang araw nga lang ay ni-launch sila bilang endorsers ng NWOW electronic bike na usung-uso na ngayon sa Pilipinas.
Natanong si Yanyan kung kaya ba niyang magmaneho ng electronic vehicle sakay ang kanyang pamilya, oo naman daw dahil napakadali nitong gamitin.
Convenient kasi ang mga electronic vehicles kapag malapitan lamang ang pupuntahan, tulad nga ng kuwento ni Dingdong, na sa lugar nila ay electronic vehicles ang gamit nila kapag pupunta sa park o mag-iikot lamang sa kanilang lugar.
At napakaresponsible ni Dong sa pagbibigay paalala sa mga gumagamit ng e-bike o anumang electronic vehicle, na kahit safe naman ang mga ito lalo ma sa mga bata, ay kailangan pa ring magsuot ng helmet at iba pang safety ond protective gears para matiyak ang kaligtasan ng mga nakasakay.
Sabi nina Mr. Liu Lucius at Mr. Julius Santos ng NWOW, hindi sila nagkamali sa pagkuha sa Dantes family bilang mga celebrity ambassador ng kanilang brand.
Sabi nga Dingdong, “Itong mga nakaraang buwan kasi at nakaraang linggo naging very busy kasi kami sa aming mga trabaho.
“Sobrang excited kami dahil ngayon lang kami nagsama ni Mariam sa isang endorsement after 13 years. Having said that ‘yung oras namin sa bahay, sa mga bata nabawasan, kaya ngayon na may panahon kami looking forward kami sa mga bagong memories at bagong exciting activities na puwede naming gawin together.
“And malaking bagay na nagagawa namin siya na magkakasama, sa pamamagitan ng vehicle na ito makapupunta kami sa malalapit na lugar sa aming barangay, to do recreational stuff, just as simple as playing in the park o pupunta sa simbahan.
“Yung mga bagay na nagagawa lang ng dalawa, kunwari sasakay kami ng bisekleta o scooter, eto (e-bike) sabay-sabay naming nagagawa ‘yung mga bagay na ‘yun.
“Kaya kami pumayag at na-excite sa partnership na ito and to build more memories with my family,” sey pa ni Dingdong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.