Angel, Neil ibinuking ni Dimples: ‘Nakita ko naman kasi parang enjoy na enjoy sila sa kwarto nila at nagmamahalan sila!’
SORRY na lang sa mga loyal fans ng Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil mukhang hindi pa niya mapagbibigyan ang hiling n’yong magbalik na siya sa showbiz.
Nakachikahan namin ang isa sa mga BFF ni Angel na si Dimples Romana at nagbigay nga siya ng kaunting detalye tungkol sa nangyayari ngayon sa kanyang friendship.
Ilang taon na ring hindi nakikita at napapanood ng publiko si Angel matapos itong magdesisyon na mag-focus muna sa kanyang married life kasama siyempre ang husband niyang si Neil Arce.
Sa presscon ng “Gud Morning Kapatid”, ang pang-umagang programa ng TV5 kung saan kasama na nga bilang isa sa mga regular host si Dimples, kinumusta namin ang tungkol sa pelikula na pagsasamahan sana nila ni Angel.
Sey ni Dimples, hindi niya alam kung kailan nila ito magagawa dahil naka-break pa rin until now si Angel at kahit sa social media ay hindi pa rin siya nagpaparadam.
Pero umaasa pa rin si Dimples na matutuloy ang nasabing proyekto pagdating ng tamang panahon.
Baka Bet Mo: Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!
“Ayoko lang kasing banggitin kasi kung mangyari, mape-preempt ‘yung movie, eh. Pero it was supposed to be a movie. Hopefully.
“Hindi naman natin alam din, malay mo, biglang makaisip ‘yung best friend kong lumabas, ‘di ba?” paliwanag niya.
View this post on Instagram
Pero kumusta na nga ba si Angel ngayon? “She’s happy. I saw her few days ago. So, I saw her before the launch and then I saw her again, oo. Ano siya, she’s happy. Kasi, nagmamahalan naman sila ni Neil. Juicekolord!” ang chika ng bagong host ng “Gud Morning Kapatid.
Hindi pa rin daw feel ni Angel na lumabas at magtrabaho uli bilang artista, “Parang hindi pa muna. Nakita ko naman kasi parang enjoy na enjoy sila sa kwarto nila.”
Baka Bet Mo: Angel, Neil magpapakasal pa rin sa simbahan; Dimples naging instant photog sa civil wedding
Biro naman sa kanya ng press, ang bongga naman dahil nakakapasok daw talaga siya sa kuwarto nina Angel at Neil, “Eh, siyempre, saan ako papasok? Una sa lahat, best friend ako para sa sala humang-out no!”
“Sabi ko kay Neil, ‘hoy, buksan n’yo yang pinto! Wow! Ha-hahaha!” chika pa ni Dimples.
Palagi rin daw nakakulong ang mag-asawa sa kanilang room, “Eh, doon sila kasi malamig ang aircon nila. Ha-hahaha! Ano ba ‘tong mga niri-reveal ko? Baka mamaya paluin ako ni Neil!”
Seryosong sey ni Dimples, tanging si Angel lang naman ang makapagsasabi kung may balak pa itong magbalik-showbiz.
Pero para kay Dimples, base sa nakikita niya kay Angel, super contented na ito ngayon da kanyang tahimik na buhay na malayo sa maingay, magulo pero makulay na mundo ng showbiz.
Tungkol naman sa tsismis na hiwalay na sina Angel and Neil, “Juice ko, hindi namin pinag-uusapan ‘yun. Hindi kami nag-uusap tungkol diyan. Hindi nga lumalabas ng kwarto para maghiwalayan sila.”
Samantala, napapanood na si Dimples ngayon morning program ng TV5 na “Gud Morning Kapatid” tuwing 9 a.m. kasama sina Jes Delos Santos, Chiqui Roa-Puno, Justin Quirino and Maoui David.
Sa “Gud Morning Kapatid” ay may dalawang segments si Dimples, ang “May Bahay” which is about home improvement tips on a budget at ang “Smart Parenting” na tungkol naman sa parenting advice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.