Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life | Bandera

Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life

Therese Arceo |June 06,2022
facebook
share this

Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life

Therese Arceo - June 06, 2022 - 04:02 PM

Lolit Solis kay Moira: Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life
LABIS ang pagtataka ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring balita ang lumalabaa ukol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Sa kanyang Instagram account ay inilabas niya ang kanyang opinyon ukol sa isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.

“Ewan ko kung bakit parang lahat yata ng nangyayari sa buhay ni Moira de la Torre gusto niyang nasa print media Salve,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, para raw bang gusto ng mangangawit na malaman ng madlang pipol ang lahat ng detalye ukol sa pagsasama nila ng kanyang estranged husband.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Para bang iyon history nilang mag asawa gusto niya malaman ng publiko dahil tuloy tuloy ang labas ng mga balita tungkol sa kanila na mula sa mga interview kay Moira.

“Baka gusto niya talaga na pag usapan ang kanyang married life, malaman lahat ng napagdaanan nilang mag asawa,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Sa kabila ng pagbibigay opinyon ukol kay Moira ay nagpaabot rin ng payo ang talent manager at sinabihan itong mas maigi nang tumahimik na lamang siya sa isyung kinakaharap dahil kung patuloy silang magsasalita ay mahihirapan na silang burahin ito at tatatak na ito sa publiko.

“Ok lang, pero siya din magsa suffer in the end. Dahil lahat ng lalabas, mahirap ng burahin at forever ng nasa isip ng publiko,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Magiging hadlang din iyon kung nanaisin niya ang privacy pag nagkaruon ng bagong pag ibig.

“Well, at least, lahat ng column nanduon ang issue niya, enjoy niya muna ang ingay ngayon, saka na isipin ang iba pang pangyayari.”

 

Related Chika:
Lolit Solis hinagilap ang mga stars na ubod ng yabang: Huwag masyadong righteous!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis tinawag na laos si Ai Ai delas Alas: Hindi na siya sikat ‘no! Hindi na siya kailangang magsalita!

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending