Lolit Solis tinawag na laos si Ai Ai delas Alas: Hindi na siya sikat ‘no! Hindi na siya kailangang magsalita!

Ai Ai delas Alas, Joey de Leon at Lolit Solis

SI Quezon City Mayor Joy Belmonte ang special guest nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu nitong Martes sa kanilang online show na “Take It! Take It! Me Gano’n?”

Lunch break daw ni mayora kaya perfect time sa pag-imbita sa kanya nina Manay Lolit at Mr. Fu.

Unang tanong ni Mr. Fu kay Mayor Joy kung mas mahirap mangampanya ngayong may pandemya o pareho lang nu’ng mga nakaraang eleksyon.

“Hindi naman (mahirap) kasi napakababa rin naman ngayon ng ating (COVID-19) cases dito sa Quezon City,” pahayag ng Ina ng Kyusi.

Napag-usapang rampant ang vote-buying sa Quezon City dahil nga apektado ang mga kabuhayan dahil sa pandemya kaya paano ito hinaharap ni Mayor Joy?


“Chill lang kasi I still believe that performance at the end of the day, track record, mga nagawa, mga may resibo, ‘yan pa rin ang tinitingnan ng mga intelligent voters natin,” sabi ng alkalde.

Samantala, natanong na si Mayor Joy tungkol sa TikTok video ng komedyanang si Ai Ai delas Alas kung saan in-spoof siya nito.  Napanood ba ito ng alkalde?

“Hindi! (napanood),” sambit nito na hirit ni Manay Lolit ay ‘wag na lang nitong panoorin.

Dugtong na tanong ni Mr. Fu kung narinig na ito ng mayora, “Actually matagal ko nang narinig na may plano ang kabilang panig, sabihin na nating ang kabilang parlor, in showbiz speak, na gumawa ng isang nakasisirang video patungkol sa akin.

“Narinig ko naman na yung balita, in fact, ang hearsay, ‘hearsay’ lang ito Marites lang ito, na ang budget nga nila is P10 million, ‘no.

“I didn’t know what kind of video it was going to be at that time pero nu’ng lumabas siya, at maraming nagsabi na may videong lumabas, very unsavory, very low, ganyan, naisip ko siguro ito na nga ‘yung project na ‘yan,” sabi pa ng opisyal.

“What was your initial reaction?” tanong ulit ni Mr. Fu kay Mayora.

“So nothing, I didn’t watch it na lang. Because sabi ko, kung ito ‘yun, maba-badtrip lang ako kasi ang daming na-badtrip na mga kaibigan ko, pati taong hindi ko kilala, medyo na-offend, so ako naman, why will I put myself through that, ‘di ba, when I have so much work to do. Hindi ko na siya papanoorin,” katwiran ng public official.

Ano’ng reaction ni Manay Lolit nang mapanood ‘yung video, hirit pa ni Mr. Fu?

“Ako very naughty rin ako eh, salbahe din ako, ‘di ba. Siyempre kapag binayaran ako, gagawin ko ‘yung inutos nu’ng nagbayad sa akin, di ba?

“Pero halimbawa, kahit binayaran ako, ‘pag alam ko naman na medyo, hindi naman totoo at saka offensive du’n sa gagawan ko ng video, ano, medyo sasabihin ko yun du’n sa nag-utos, ‘di ho ba mas panget kung ginawa natin ‘to, baka sa atin pa bumuwelta, ‘di ba?’

“Gaya ng sabi ni Ai Ai, meron siyang minention na Babalu, Babalina, ‘no, talaga namang mahaba baba niya, ‘no, o ba’t kailangan pa niyang i-associate kung kanino ‘yung baba niya, ‘di ba?

“At saka para sa isang laos na artista na tulad niya dapat medyo mabait ka na kasi laos ka na, nasa baba ka na, eh. Hindi na siya sikat ‘no, hindi na siya kailangang magsalita,” esplika ng kilalang talent manager at kolumnista.

Anong message mo sa kanya for doing that video? “Magkano ba, Ai Ai? Masyado bang malaki para gawin mo ‘yan, ‘di ba?” diretsong sabi pa ni Manay Lolit.

Wala pang sagot si Ai Ai sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging sagot ng komedyana hinggil sa mga pinagsasabi ni Manay Lolit Solis.

https://bandera.inquirer.net/307415/cristy-fermin-nag-resign-na-sa-online-show-nila-ni-lolit-solis-hindi-namin-pahihirapan-ang-aming-sarili

https://bandera.inquirer.net/312381/ai-ai-bubog-sarado-sa-netizens-dahil-sa-viral-tiktok-video-sayang-ka-nakakahiya-ka
https://bandera.inquirer.net/296427/lolit-cristy-mr-fu-humirit-ng-mamahaling-cellphone-kay-willie-revillame

Read more...