MULING ginulat ng Kapuso TV host-comedienne na si Herlene Budol ang netizens sa kanyang fresh na fresh at “classic” aura sa kanyang official Binibining Pilipinas photo.
Pinusuan at ni-like ng kanyang fans and social media supporters ang bago niyang litrato na naka-post sa official Instagram page ng nasabing national beauty pageant at maging sa IG account ng dalaga.
Ani Hipon Girl sa caption, “Nakakataba lang ng puso makita ko sarili ko nakahelera sa Binibining Pilipinas 2022 Official Candidate.”
Kasunod nito, muling nanawagan ng suporta ang Kapuso star sa kanyang fans kasabay ng pangakong hinding-hindi siya magbabago kahit na ano ang mangyari sa kanyang pageant.
“Gagawin ko pinaka best ko para maging proud naman sa akin mga KaFreshness, Kainutz, KaSquammy, KaBudol at mga KaHipon Family ko,” pahayag pa ng komedyana na napapanood ngayon sa Kapuso series na “False Positive.”
May dagdag namang mensahe si Herlene sa mga kapwa niya kandidata sa Binibining Pilipinas na tinawag pa niyang “Binibini Sisters.”
“Siempre gusto ko din e goodluck mga BINIBINI SISTERS ko! Alalayan nyo ako ah. May experience ako sa Barangayan pero once ko lang na chambahan na koronahan at binansagan pa ako ng Hipon,” sey ni Herlene.
Todo rin ang pasasalamat ni Herlene sa kanyang glam team na kinabibilangan nina Mary Letim (makeup), Marky Buenaobra (hair) at ang mga kumuha ng larawan na sina Raymond Saldaña at Owen Suan Reyes.
Si Herlene ang No. 8 sa 40 kandidatang maglalaban-laban sa pageant at in fairness, bentang-benta sa netizens ang mga pick-up lines na ipino-post niya sa bawat litrato niya sa IG.
“Hello mga Hiponatics, Mga kaSquammy at mga KaBudol…lagi natin tatandaan kahit anong mangyari sa buhay mo laging harapin ito ng may magandang ngiti.
“Ako nga pala si Binibining Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at mag bibigay ng Kasabihan for today ‘Hipon man ako sa Paningin nyo pag prinito nyo ako sa kawali masarap na Tempura ako.’
“Gawin nyo man ako Sabaw, Masarap na sinigang na Hipon pa din ako! And i……Hipon!! Once a Binibini always a Binibini!” hirit pa ng dalaga na talaga namang pak na pak ngayon ang itsurang pang-beauty queen.
Ito pa ang isa winner na punchline ni Herlene, “Laging tumingala kapag may mga bagay na nakakasira sa iyo, iangat ang iyong ulo at mag icip ng positibo!”
https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush
https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka