Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako! | Bandera

Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!

Reggee Bonoan |April 21,2021
facebook
share this

Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!

Reggee Bonoan - April 21, 2021 - 06:14 PM

“WALA akong dream wedding.  Lumaki kasi ako sa community na ang gown nirerentahan lang, hindi ka nagpapatahi walang designer, walang stylist.

“Para sa akin isa lang mabilisang event (ang kasal). Iyon ang nakikita ko nu’ng bata ako,” ito ang kuwento ni Angel Locsin kay Bianca Gonzales-Intal sa Cinema News.

Tinanong kasi ng TV host ang aktres kung ano ang dream wedding niya ngayong ikakasal na sila ng fiancé niyang si Neil Arce.

Ang naaalala pa ni Angel noong bata kapag kasal, “Kakain ka after (reception), ‘yun ang masaya ron.  Hindi ko naiisip ‘yun nu’ng bata ako, pero curious ako kung sino ang makakasama ko sa habang buhay.

“Pero ‘yung wedding mismo kung anong gown ang susuotin mo, anong music ‘yung lalakaran mo wala akong alam,” aniya pa.

Sumang-ayon naman si Bianca sa kuwento ni Gel dahil wala rin siyang dream wedding noon.

Pero ngayong ikakasal na nga sila ni Neil ay anong parte ng pagpaplano ng kasal ang gustung-gusto ng bride to be?

“Surprisingly si Neil ‘yung groomzilla ha, hindi ako,” kaswal na sabi ni Angel na ikinagulat ni Bianca.

“Yes, siya ‘yung nagpaplano. Mas siya pa ‘yung ‘o kailangan natin itong gawin, o gusto ko ‘yung ganito, ito bisita ko, etceteram’ Siya ‘yung mas ganu’n,” pambubuking ng dalaga.

“So ibig sabihin ikaw ang bridechillax?” tanong ni Bianca.

“Oo, chill lang ako. Actually sobrang chill ko natapos ko na ‘yung planning namin nu’ng early stage palang nu’ng nagpo-post siya tapos after ng mga four months kaming nagplano, okay na ako tapos na ako.

“Kailangan lang naming baguhin ngayon kasi dahil sa health protocols. Kailangang magbawas ng bisita kahit ayaw ko talagang magbawas kasi iilan lang ‘yung bisita ko na sobrang special sa akin, so masakit sa akin.

“Hindi ko naman puwedeng tanggalin ang lahat ng bisita ni Neil. Ha-hahaha! Kawawa naman siya di ba? Okay na, magaling din naman ‘yung wedding planner ko, so wala akong iniintindi, mahirap masala ‘yung okasyon baka mahaluan pa ng bashing or ng kung anu-ano,” kuwento ng future Mrs. Arce.

Nabanggit pa na may options si Neil sa kasal nila, “Pipili lang ako kung sinong wedding planner, sinong stylist, make-up artist, sinong photographers, videographers. Pipili na lang ako, na-screen na niya lahat ‘yun.  Yes or no lang ako, so ang saya lang.”

Dagdag pa, “Iba pag tumutulong ang fiancé mo rin sa preparations.  Baka kasi nagba-bridezilla rin ang mga kababaihan kasi pag walang suporta (ng fiance). Pero kung nakakaramdam sila ng suporta at hindi sila nag-iisa sa journey na ‘yun,  I think hindi naman magpa-panic ang mga kababaihan.”

Kuwento rin ni Angel na nu’ng pinaplano nila ang kasal ay wala silang naging problema o naging mainitin ang ulo nila sa isa’t isa.

“May isa lang na natatawa ako kasi si Neil hindi talaga umiinom, so ang concern lang niya is iced tea, main concern niya talaga.  Nasa dessert na kami ha, final stage na pero siya nasa iced tea pa rin na hindi naman kasama sa in-offer sa amin.

“Parang pinameryenda lang kami, ‘yun talaga ang sinisita niya talaga kasi ayaw niya ng may vanilla sa iced tea, nawiwirduhan siya.  Kaya ‘yung catering binago ang recipe para sa kanya para sa iced tea, masaya na siya ro’n, ‘yun lang ‘yung pinakialaman niya talaga,” natawang kuwento ng aktres.

Sabi pa, “Huy iced tea lang ‘yan, nasa dessert na tayo, wala ka bang ibang sasabihin?  Sabi niya, ‘hindi ito lang talaga, iced tea kasi ito lang iinumin ko buong gabi kaya kailangan perfect ito,'” sabi niya.

Dapat ay noong 2020 pa ang kasal nina Neil at Angel pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy na ayon sa aktres ay hindi naman sila naabala dahil inurong lang naman nila ito.

“Sa amin hindi abala ‘yun sa rami ng cancelled weddings, cancelled events, naghihirap ang events community.  Parang hindi ako makapag reklamo, wala tayong choice kundi mag-adjust hindi ‘yung puwedeng kung ano lang ang gusto natin.

“Itong pandemic na ‘to natutunan ko kung paano mag compromise hindi ‘yung kung ano ang gusto natin.  

Maraming pangyayari na nagpa-realize sa akin na hindi na tayo puwedeng bumalik sa dati.  Kailangan na nating matutong mag adjust para mag survive,” pahayag ni Angel.

Dapat ay noong Nob. 8 ang kasal nila at ang ginawa nila sa petsang iyon, “Nag-dinner lang kami sa bahay ng special take out.  Wala naman ganu’n lang nasabi lang namin, dapat ikakasal tayo today, parang isang normal na araw na, ‘ay sayang.’  ‘Yun lang ‘yung naging reaksyon namin,” kuwento ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hindi pa rin ni-reveal ng aktres kung ano na ang petsa ng kasal nila ni Neil at kung saang simbahan ito magaganap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending