Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue Bandera

Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue

|August 27,2021
share this

Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue

- August 27, 2021 - 02:34 PM

ISANG linggo na ang nakakalipas magmula nang pumutok ang isyung hiwalay na ang Kapuso couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring panayam ang dalawa sa isyu.

Ang talent manager pa nga ng aktor na si Lolit Solis ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan at nilinaw nitong walang third party involved at talagang nawala lang ang spark sa samahan ng dalawa.

Maraming netizens man ang nanghinayang dahil halos good influence ang dalawa sa isa’t isa at happy family sila kasama ang cute at bibo nilang anak na si Summer ngunit wala na silng magawa kung hindi irespeto ang desisyon ng mga ito.

Ayon nga kay Manay Lolit ay mas nais nilang maghiwalay nang maayos bago pa mauwi sa horror story ang kanilang love story.

Sa kaniyang interview kay Lhar Santiaga, wala pa ring inilahad na statement ang aktor ngunit aniya, masaya siya sa mga proyektong patuloy na natatamasa.

Ito nga ang dahilan kung bakit busy ang aktor at tila walang oras para pansinin ang isyung ipinupukol sa kanila.

“I’m leaving again for a lock-in shoot. Second lock-in na namin ng ‘I Left my Heart in Sorsogon,” pagbabahagi ng aktor.

Sa ngayon ay parte pa rin siya ng “Bubble Gang” at magkakaroon rin siya ng episode sa “Dear Uge”.

“Very thankful ako with everything that happening, sa mga blessings na nangyayari, regardless of the pandemic,” dagdag pa niya.

Nananatiling bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Paolo at LJ hinggil sa kanilang hiwalayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending