Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb Bandera

Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

Reggee Bonoan |November 08,2021
share this

Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

Reggee Bonoan - November 08, 2021 - 11:15 AM

NANGHIHINAYANG kami sa isang showbiz couple na nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama.

Walang magsasabing hindi sila perfect combination — mula sa looks, height, talent (both singing and acting plus dancing pa) at parehong boto sa relasyon nila ang kanilang respective families.

Akala namin ay perpekto ang kanilang pagsasama dahil wala namang nababalitaang nag-aaway o nagkatampuhan sila, in fact pareho nilang suportado ang karera ng bawa’t isa.

Kaya nang mabalitaan namin sa taga-production na mahigit isang buwan nang hiwalay ang aktor at aktres ay ang tanging nasabi namin, “Bakit? Anong nangyari? Sino ang may problema? May third party ba?”

Pero ang sagot sa amin ng taga-production, “E, di ba nagtanong ka dati kung bakit sobrang sweet nina (aktor at aktres)? E, baka ‘yun na nga.”

Napansin kasi namin na ang aktres ay sobrang sweet sa aktor na kasama niya sa isang TV show bagay na tanong din pala ng mga kakilala namin.

Pero dahil nakasanayan na sa showbiz na kapag magka-loveteam o mag-partner sa isang pelikula o teleserye ay kailangang paniwalain ang manonood na sila na kaya sweet-sweetan sa harap ng mga camera.

Anyway, ‘yung tanong pala naming iyon ay napansin na rin ng taga-production at hindi na lang sila kumikibo basta mataas ang ratings ng programa ay okay na.

Sa kabilang banda, si aktor na karelasyon ni aktres ay dedma sa mga naririnig kasi nga katwiran niya ay parte iyon ng kanilang loveteam.

Hanggang isang araw, nag-usap sina aktres at aktor at nakipaghiwalay na ang una na ipinagtaka ng huli.

Wala naman kasing isyu, walang pinag-awayan kaya saan nanggagaling si aktres para iwanan ang lalaking mahigit tatlong taon niyang karelasyon?

Wala ring maibigay na dahilan ang aktres pero gayun pa man ay pumayag ang aktor at wish na lang niya ang kaligayahan ng ex-girlfriend.

Siyempre mega-research kami kung bakit humantong sa hiwalayan ang magandang relasyon nina aktres at aktor. At tama kami, ang aktor na kasama ni aktres sa programa ang dahilan.

“Nagkadebelopan!” matipid na sabi ng aming kausap.

Para nga naman hindi masabing namangka sa dalawang ilog ang aktres kaya hiniwalayan muna si aktor. Oo nga naman para pag pumasok siya sa bagong relasyon ay wala siyang sabit.

Nalaman din namin na ang aktor na kasama ni aktres sa programa ay dati palang nanligaw sa kanya at binasted kasi nga mas pinili ng dalaga ang ex-boyfriend niya.

May nakaraan naman pala ang magka-loveteam at siguro ngayon na lang itutuloy. Hmmmm, sino kaya kina aktres at aktor ang unang aamin na break na sila?

Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending