Dating boss ng Star Magic lilipat na rin sa GMA, iba pang TV exec magiging Kapuso na Bandera

Dating boss ng Star Magic lilipat na rin sa GMA, iba pang TV exec magiging Kapuso na

Reggee Bonoan |June 09,2021
share this

Dating boss ng Star Magic lilipat na rin sa GMA, iba pang TV exec magiging Kapuso na

Reggee Bonoan June 09,2021 - 04:44 PM

TOTOO nga kayang pamumunuan na ni Ms. Mariole Alberto ang GMA Artist Center? If ever, magkakaroon na ng bagong packaging o branding ang mga artista ng Kapuso network.

Si Ms. Mariole ang naging head ng ABS-CBN Star Magic sa loob ng ilang dekada simula nang magretiro si Mr. Johnny Manahan na naging consultant na lamang. Pero dahil sa pagsasara ng Kapamilya network ay nag-resign na ang una.

Hindi naman kaila sa lahat na kapag hinawakan ka ng Star Magic ay nababago ang imahe at tumataas ang premium mo pagdating sa mga offer.

Kaya nga marami ang nagsasabi na  iba talaga ang dating ng mga artista ng ABS-CBN kung ikukumpara sa mga artist ng GMA.

Ang alam naming isa sa mga sikreto ni Johnny Manahan o Mr. M sa mga artista ng Dos ay everytime na lalabas sila ng bahay dapat maayos at maganda ang kasuotan na parang papasok sa opisina o meeting para kung may makasalubong sila ay iba ang arrive.

At higit sa lahat, kabilin-bilinan din na huwag pakalat-kalat sa malls o ‘yung laging laman ng mga public place para hindi pagsawaan ng publiko na tama nga naman para kung may show o pelikulang ipo-promote ay sabik ang tao sa kanila.  At siyempre dapat nakabihis din.

Kaya naman sobrang mahal ng Star Magic talents sina Ms. Mariole at Mr. M na itinuring na rin nilang ikalawang magulang. Kaya nga nu’ng nag-retire ang mga ito ay maraming nalungkot at ang iba sa mga premium artists ay kumalas na rin sa talent management ng ABS-CBN since wala na silang kontrata at may iba ring nagpakita ng loyalty sa network na nagpasikat sa kanila.

Speaking of GMA stars ay marami kaming nasasalubong noong wala pang COVID-19 pandemic na hindi namin nakikilala dahil mga walang ayos, itinali lang ang buhok o nakalugay at naka-shorts at t-shirt lang at jogging pants. 

Kaya madalas naming tanungin sa mga kasama namin kung sino sila. At kung may mga nakabihis naman ay tila hindi rin sapat para masabing mga artista sila.

Anyway, may ibinalita rin si Nanay Cristy Fermin sa kanyang radio program na “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM at napapanood sa Cignal OnePH kasama si Rommel Chika, tungkol kay Ms. Mariole.

“Nasa GMA Artist Centre na si Ms. Mariole Alberto na talagang nagpasikat sa mga artista ng ABS-CBN,” say ni ‘Nay Cristy.

Sagot naman ni Rommel Chika, “Oo nga kaya ngayong lumipat na, mag-expect na tayo nang bonggang-bongga (pagbabago ng mga artista ng Siyete).”

Nabanggit ni ‘Nay Cristy na huwag mabibigla sa paglipat ni Ms. Mariole sa GMA dahil nga inakala ng lahat na gusto na nitong magpahinga dahil nga nagretiro na.

“Ito po ay tawag ng panahon na sa panahon ng pandemya ay kailangan nila ng trabaho tulad din ng mga artista at tayong mga ordinaryong tao. 

“Kailangan pong mapalitan ‘yung salapi na lumalabas sa kanilang bulsa para sa mga hindi nakapag-ipon at hindi napaghandaan ang ganitong panahon.  

“Talagang gutom po ang aabutin kapag hindi sila magtatrabaho. Kaya huwag nap o nating sinisisi na walang utang na loob, walang loyalty. Ganu’n naman po talaga,” paliwanag ng radio host.

Nabanggit din na may ilan pang TV executives ang nakatakdang lumipat sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending